^

Pang Movies

Kaya hindi nakuha ang Darna KC mahihirapang i-train, papapayatin pa, at hindi kaya na walang body stockings!

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa hindi malamang sanhi, hindi na si KC Concepcion ang magda-Darna kundi si Angel Locsin pa rin. Kumpirmado na ’yan ng ABS-CBN at Star Cinema. Bakit nga ba sila magti-train pa ng iba eh sanay na si Angel sa role niya bilang Darna?

Isa pa, marami ang tutol kung si KC ang magda-Darna. Hindi pa siya handa physically. Kailangan pa niyang magpa-slim ng konti at mag-aral ng martial arts. Doble gastos sa part ng producer.

Kung acting naman ang pag-uusapan, napatunayan na ni Angel na magaling siya dahil ilang beses na siyang nanalong best actress sa ilang award-giving bo­dies, gaya ng Star Awards ng Philippine Movie Press Club.

Another point, hindi na kailangan ni Angel na magsuot pa ng body stockings na gaya ng ginawa ni KC sa isang production number sa ASAP 18 nang mag-Darna-Darhanan siya with Captain Barbell at Lastikman.

Gov. ER wala ng bakas ng pag-aalala

Bilib kami sa ipinakitang katatagan ni Gov. George “ER” Ejercito Estregan, Jr. sa harap ng gustong gawin sa kanya ng Comelec na i-disqualify siya dahil sa election overspending.

Hindi lang daw matanggap ng kalaban sa pagka-mayor ni ER ang pagkatalo niya kaya ganito ang ginawa niyang paghihiganti. Sa rami ng supporters ng gobernador na dumating noong Unity Mass and Support niya kamakailan sa Cultural Center ng Laguna, kitang-kita namin ang pagmamahal ng mga Lagunanos kay Gov. ER. Siya pa rin ang governor ng Laguna. Sabi niya at nakiisa ang lahat at nagbunyi.

Kasunod nito ay isinilebreyt ni Gov. ER ang kanyang ika-50th birthday.  Golden Boy na talaga siya. Tamang-tama sa bago niyang pelikulang Boy Golden na ka-partner niya si KC at kasama rin sina John Estrada at Eddie Garcia.

Sa 5th Star Awards for Music ng PMPC, tila wala ng bakas ng pag-alala sa mukha ni Gov. ER ng makita namin. Isina-isangtabi kaya muna niya ang problemang kinakaharap sa Laguna o nasagot na lang niya ang lahat ng ibinabato sa kanya ng mga kalaban niya?                                          

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BOY GOLDEN

CAPTAIN BARBELL

CULTURAL CENTER

DARNA

EDDIE GARCIA

EJERCITO ESTREGAN

NIYA

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with