^

Pang Movies

Sunshine sumumpang hindi makikipagbalikan kay Cesar

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi na ako nakadalo kahapon sa presscon ng Ever Bilena cosmetics para sa kanilang endorser na si Sunshine Cruz dahil ang lunch date namin ni Sen. Jinggoy Estrada ang top priority ko.

Kinuha uli ng kumpanya si Sunshine bilang celebrity endorser dahil pinalitan na nila si Daiana Menezes.

Ang sabi ng mga umapir sa presscon ng Ever Bilena, hindi nakaiwas si Sunshine sa mga tanong tungkol sa kanyang estranged husband na si Cesar Montano.

Sinagot naman niya ang mga question kaya nalaman ng mga reporter na hanggang ngayon ay hindi pa nag-uusap ang ex-couple. Ginamit ko ang word na ex-couple dahil tiniyak ni Sunshine na hin­ding-hindi na siya makikipagbali­kan kay Cesar. How sad ’di ba?

I-wish natin na kung hindi man magkakaroon ng reconciliation sina Sunshine at Cesar, maging magkaibigan sila alang-alang sa kanilang tatlong anak.

Nag-swear si Sunshine na wala siyang love life at bukas ang kanyang isip sa katotohanan na hindi madali sa mga mhin ang magkaroon ng instant family.

Positive na positive ang outlook ngayon ni Sunshine sa buhay dahil marami siyang natutunan sa mga nangyari sa paghihiwalay nila ni Cesar.

Pelikula nina Jinggoy at Maja apektado ng kontrobersiya sa Pork Barrel

Tapos na tapos na ang shooting ng pelikula nina Sen. Jing­goy Estrada at Maja Salvador pero hindi pa tiyak ang playdate ng project na may tentative title na Daddyguard.

Ang sabi ni Papa Jinggoy, hindi pa ngayon ang tamang panahon para ipalabas ang kanilang pelikula dahil sa mga isyu na kinasasangkutan niya.

Maghihintay si Papa Jinggoy ng perfect date para ipalabas ang Daddyguard. Natawa lang si Papa Jinggoy nang sabihin ko na baka may nagsumpa sa leading lady niya kaya nagkaroon ng problema sa playdate ng kanilang movie project na unang pelikula pa naman ng kanyang anak na si Jolo.

Ogie hindi makapagreklamo sa dagsa ng trabaho

Ngayon ang presscon ng The Gift ng TV5. Bida sa The Gift si Ogie Alcasid, ang lalaking walang pahinga dahil tatlu-tatlo ang regular shows niya sa Kapatid Network.

Linggo lamang ang pahinga ni Ogie dahil sa mga programa niya sa TV5. Hindi naman nagrereklamo ang singer-composer-comedian dahil gustung-gusto niya ang mga ginagawa. Mabuti na ang maging busy kesa nakatunganga siya sa bahay dahil sa kawalan ng regular work.

vuukle comment

CESAR MONTANO

DADDYGUARD

DAHIL

DAIANA MENEZES

EVER BILENA

JINGGOY ESTRADA

PAPA JINGGOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with