^

Pang Movies

Luis naiyak sa pagba-babu sa Deal…

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Naiyak si Luis Manzano sa pagpapaalam niya sa kanyang last episode sa Deal or No Deal last Saturday. Sobrang thankful ang binata ni Gov. Vilma Santos-Recto sa Kapamilya Network dahil naging game show host siya dahil sa Deal or No Deal. At hindi makakaila na isang mahusay na host si Luis saan man siya dalhin.

Kaya imbes na malungkot ang actor-TV host ay alam niyang marami pang magbubukas na pagkakataon para sa hosting job.

Hindi naman nakapagtataka dahil namana niya ang wit and humor sa kanyang amang si Edu Manzano, pati ang kiliti ng kanyang contestants at pagpa­patawa sa audience ay alam kung paano pagaga­nahin ni Luis ang kanyang talent.  Pero may sariling trademark sa galing sa pagho-host si Luis. Kaya naman hindi ito nawawalan ng trabaho.

Megan puwede nang mag-train ng beauty contestants

Bagay na bagay kay Megan Young ang korona na ipinutong sa kanya bilang kauna-unahang Pinay Miss World. Walang kumontra dahil deserving naman ang kanyang standout na ganda sa katatapos na pageant.

Kapag tapos na ang lahat ng commitments ni Megan ay bagay din sa kanya ang magkaroon ng TV show na puwedeng maging venue ng sariling niyang camp site para sa girls na gustong maging beauty queen. Minsan niyang ipinakita ang mga dapat matutunan ng mga aspirant nang mag-guest siya sa Gandang Gabi, Vice bago siya lumipad sa Indonesia.

Paulo naisnab sa pagbe-breakdown

Siguro nanghinayang din si Direk Jerrold Tarog sa indie film niyang Sana Dati na hindi nanalo si Paulo Avelino sa best actor category sa nakaraang 9th Cinemalaya Independent Film Festival, na palabas pa ngayon sa mga sinehan, na ang Sana Dati ang nanalong best picture.

Kung binigyan sana niya ng closeup shots si Paulo sa breakdown scene ay baka sakaling nakapasa sa panlasa ng jurors ng Cinemalaya ang kanyang akting.

Pero kahit hindi nagwagi si Paulo ay hindi naman nabawasan ang husay niya sa pag-arte. Marami pa namang next time.

Matino at maganda ang movie ng Sana Dati na kakainisan mo si Lovi Poe at the same time maawa ka kay TJ Trinidad sa kani-kanilang role.

 

vuukle comment

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

DIREK JERROLD TAROG

EDU MANZANO

GANDANG GABI

KAPAMILYA NETWORK

LUIS

NO DEAL

PAULO

SANA DATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with