^

Pang Movies

Nora hindi pa rin binibigyan ng trabaho

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Napanood namin noong isang madaling araw ang Walang Tulugan with Master Showman ni German Moreno at guest niya si Nora Aunor. Kung makikita n’yo ang ganung sitwasyon, parang mukhang kawawa nga ang nangyari kay Nora. Pi­naupo na lang siya sa isang silya at kinantahan ng isang grupong guest din, wala na siyang nagawa kundi ngumiti-ngiti na lamang kasi wala naman siyang magagawa talaga, hindi na siya makakakanta.

Maraming false hopes na lumabas noon pa. Kes­yo magpapagamot siya sa Amerika. Kesyo kausap pa nila pati ang doctor na gumamot kay Julie Andrews para maibalik ang kanyang boses. Kesyo totohanan nang pagbabalik niya ay ayos na ang problema at ma­kakapag-concert na siya noong nakaraang birthday pero lahat ng ’yan ay hanggang pangarap na lang. Hindi na maibabalik ang boses ni Nora.

Hindi naman masamang ma­ngarap at libre lang naman iyon pero sayang lang dahil alam naman na­ting hindi na mangyayari iyon. Una, may edad na siya. Ikalawa, hindi naman maikakaila na na­ging malakas ang kanyang paninigaril­yo at pag-inom ng alak na siyang nakadagdag talaga sa pagkasira ng kanyang boses. Hindi niya napa­ngalagaan iyon ang kanyang boses.

Naroroon pa rin ang ilang may edad na niyang fans na sumusunod pa rin sa kanya. Hindi na nga siya inabot ng kasalukuyang henerasyon. Hindi nagkaroon ng continuity kasi ilang taon din siyang nanatili sa US nang magkaroon siya ng kaso. Iyon namang mga nangakong tutulong sa kanya, kamote rin ang kinalabasan.

Tingnan ninyo ngayon, sinasabi ni Kuya Germs na sikat pa si Nora pero walang major project na iniaalok sa kanya. Puro indie film lang. Nandoon pa siya sa TV5. Ang pag-asa na lang sana niya ay pelikula kung may isang major mainstream movie na darating pa sa kanya. Dati ay puro malalaking pelikula ang ginagawa niya. 

Takot kasi ang mga major producer. Alam nilang maaari siyang magkasakit any time. Mabibitin ang kanilang proyekto. 

Richard hindi masisisi sa hindi pag-amin

Hindi tuwirang sinasagot ni Richard Gutierrez ang issue ng pagkakaroon niya ng anak. Pero ang kan­yang pagbibiro na kunwari ay magwo-walkout at pagsasabing wala sa usapang tatanungin iyon sa kanya ay parang isang indikasyon na inihahanda na niya ang isipan ng kanyang fans na tatay na nga siya kasi napaka-simple lang namang sumagot ng oo o hindi sa tanong na iyon pero hindi niya masagot o ayaw pa niya talagang sagutin sa ngayon.

Hindi natin siya masisisi. Hindi natin alam kung ano ang kanyang dahilan sa hindi pagsagot sa tanong na iyon. Siguro iniisip niya na wala naman iyong kinalaman sa kanyang career. Iyon naman ay isang bagay na pribado talaga. Maaa­ring may mga kaugnay na bagay kung bakit sa palagay niya ay hindi pa dapat na masagot nga­yon ang katanungang iyon.

Pero dahil doon ay lalong lumalakas ang espekulasyon.

vuukle comment

GERMAN MORENO

IYON

JULIE ANDREWS

KANYANG

NIYA

NORA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with