^

Pang Movies

Kris pinapangiti ng textmate!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Inamin ni Kris Aquino sa Kris TV na may ka-text-text siyang guy ngayon na hindi naman niya idinetalye kung sino. Ibinuking din ng staff niyang si Darla na maganda raw lagi ang gising ng Queen of All Media dahil dito at isang text lang ng guy ay nagpapangiti na sa TV host.

Say naman ni Kris, at least daw ay ngumingiti siya kaysa naman umiyak siya.

Pero inulit-ulit naman ni Kris na text-text pa lang sila ng guy at wala pang time magkita dahil busy. Okay na raw muna ’yung text-text lang.

Hmmm, just wondering kung sino ito?

Nora tuwang-tuwa nang mamili sa ukay-ukay

Kahit hindi dumating si Nora Aunor sa laun­ching ng Cine Filipino Film Festival last week held at Resorts World, ang dami namang kuwento sa kanya ng kanyang co-stars at kasamahan sa pelikulang Ang Kwento ni Mabuti na pinagbibidahan nga ng ating Superstar.

Ayon sa kuwento ng isang co-star niya na si Mara Lopez, nakasama pa niya si Ate Guy na mamili sa ukay-ukay pagkatapos ng shooting.

May eksena kasi na namimili sila sa ukay-ukay and after the shoot, talagang namili na sila at tuwang-tuwa ang Superstar sa mga murang items na nabili.

Aminado rin si Mara na talagang na-starstruck siya kay Ate Guy at sobrang napakalaking karangalan talaga para sa kanya na makatrabaho ito.

Ang Ang Kwento ni Mabuti ay isa sa walong kalahok sa Cine Filipino Film Festival na magsisimula sa Sept. 18 at magtatapos sa Sept. 24. Mapapanood ito sa Gateway Cinema, Resorts World, Lucky Chinatown, at EDSA Shangri-La.

Edu naglinis ng buhok ng mga customer at sahig

Binago at muling binuhay ni Edu Manzano ang Pinoy TV landscape sa bago niyang comedy talk show na What’s Up, Doods? na nagsimula na last Saturday night, Sept. 14.

Matagal-tagal ding na-miss ng fans at televiewers si Edu sa not-so-late-night talk show slot at maging siya mismo ay ha­latang ganado sa bagong programa.

Sa pilot telecast nung Sabado, may mga bagong pauso at pasabog si Edu. Nariyan ang challenge portion kung saan talagang kinarir niya ang pagiging salon assistant.

Kuwela ang ginawa niyang pagsa-shampoo sa isang customer, pagwawalis ng mga ginupit na buhok, at pagbu-blowdry ng girl.

Siyempre, gulat ang mga nagpapa-beauty dahil hindi nila akalaing si Edu pala ang nagse-service sa kanila.

Engaging, interesting, at witty din ang naging takbo ng interview portion sa Boys Night Out at kay Georgina Wilson, na talaga namang lumaban ng Inglesan at pagpapatawa kay Doods.

Marami rin ang nagkagusto sa ibang segment tulad ng Praisebook at Bwitter.

Eto pa, ang thought for the night ni Edu sa show ay “Aanhin ang bahay na bato kung wala namang wifi dito?”

Taped as live ang dalawang unang episodes pero ang mga susunod, live na live na.

“As a host, you always want to put your best foot forward. We want to go live because unpredictability is very important thing in a talk show.  You have no control of what will happen so you have to learn how not to look too shocked if something happens that you don’t expect,” sabi ni Doods.

Si Joey “Pepe” Smith ang susunod na guest niya sa show.

       

 

 

vuukle comment

ANG ANG KWENTO

ANG KWENTO

ATE GUY

CINE FILIPINO FILM FESTIVAL

DOODS

EDU

RESORTS WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with