Bela at bf, charot lang ang hiwalayan?!

Not too long ago ay napabalitang hiwalay na ang actress na si Bela Padilla sa kanyang (ex) boyfriend, ang Tech CEO na si Martin Tan matapos ang wala pang isang taong relasyon.
Pero lately ay may litratong nag-viral kung saan magkasama ang dalawa na nangyari sa intimate birthday celebration ng make-up artist ng actress na si Tekya Martin. Ang picture ay nasa Instagram Story mismo ni Tekya nung nakaraang Oct. 17 pero walang petsang nakalagay.
Kuha kaya ang picture nung hindi pa hiwalay sina Bela at Martin o kamakailan lamang ito nangyari? Dahil dito, nagkaroon ng speculation ng nagkabalikan umano ang dalawa.
May nabasa na ako rito sa Pilipino Star NGAYON na hindi raw totoong hiwalay ang dalawa.
Si Bela ay nasa pangangalaga ngayon ng Star Magic ng ABS-CBN, matapos ang kanyang maraming taong pamamalagi sa Viva Artists Agency.
Magkakapatid na VMX stars, gusto ring makaahon sa hubaran
Hindi ikinakaila ng tatlong magkakapatid na VMX stars na sina Angela Morena, Stephanie Raz at Micaella Raz na malaki umano ang impluwensiya sa kanilang pagpasok sa showbiz ang kanilang singer-actress na tiyahin na si Lara Morena (Mylene Sanchez). Nagpaseksi rin noon si Lara nung kapanahunan niya.
Tinatanaw na malaking utang na loob ng magkakapatid sa longtime partners na sina Lara at Paolo Bediones dahil sa kanila sila nakatira at sila (laluna si Lara) umano ang nag-provide ng kanilang needs nung nagsisimula pa lamang sila. Very supportive umano sina Paolo at Lara sa kanilang magkakapatid.
Five years from now, umaasa ang magkakapatid na Angela, Stephanie at Micaella na may sarili na silang bahay at sasakyan na naipundar.
Sa kabila ng kanilang pagpapaseksi sa mga pelikula ng VMX, umaasa pa rin ang magkakapatid na sana’y makatagpo rin sila ng respective partners na mamahalin at mauunawaan ang kanilang trabaho.
Although nakakatawid na si Angela sa mainstream, naniniwala ang dalawa pa niyang kapatid na may hangganan naman ang kanilang pagpapaseksi at hindi ito habambuhay nilang gagawin.
Sina Angela at Steph ay parehong nagtapos ng kolehiyo habang si Micaella ay pangarap maging isang engineer balang araw.
- Latest




















