^

Pang Movies

KC pasok sa Boy Golden ni Gov. ER na kasali sa MMFF

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ang Boy Golden pala at hindi ang Ben Tumbling ang ipinalit ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa entry sana ni Sen. Bong Revilla, Jr. na My Super Kap. Si Gov. ER Ejercito si Boy Golden at leading lady niya si KC Concepcion. Tinanggap daw ni KC ang offer dahil action ito at gusto niyang mag-portray ng role na ala-Angelina Jolie. Nag-post nga ang fans ni KC ng standee niya in an Angeline Jolie pose.

Pina-consider pala ng MMFF Execom sa Star Cinema na ituloy pa rin nila ang pagsasali ng movie version ng Be Careful With My Heart sa festival pero hindi raw talaga sila aabot dahil sa States pala dapat kukunan ang honeymoon scenes nina Sir Chief (Richard Yap) at Maya (Jodi Sta. Maria). Magkakaroon daw ng meeting ang Execom para ma-discuss kung ano ang ipapalit na entry dahil may mga request na ipasok ang Kung Fu Divas nina AiAi delas Alas at Marian Rivera. Bukod sa Star Cinema raw naman ang magri-release ng pelikula, wala namang entry sa festival ang dalawang aktres.

Wynwyn duwag sa multo

Buhay ba o isang multo si Wynwyn Marquez sa new suspense-thriller soap na Dormitoryo ng GMA 7 na mapapanood na simula sa Linggo, Sept. 22, after ng Sunday All Stars? Sa story kasi, as Maika, mamamatay ang young actress pero hindi alam kung aksidente iyon o isang krimen. Ang nakakaloka, ayon kay Wynwyn, nagpapakita siya ng as is, a human being, hindi bilang isang multo kaya malaki ang possibility na buhay nga siya. 

Inamin niyang pinanood niya ang ilang episodes ng suspense-thriller na Pretty Little Liars. Takot sa multo ang anak nina Joey Marquez at Alma Moreno at natatakot siya talaga kapag may nararamdaman siya sa set ’tapos wala naman siyang nakikita. Thankful siya kay Direk Jun Lana dahil inaalalayan siya sa mga gano’ng eksena. Kasama ni Wynwyn sa soap sina Lauren Young, Joyce Ching, Enzo Pineda, Ruru Madrid, Mayton Eugenio, Annika Dolonius, at Ash Nordstrom.

Sheena at Luis magpapasalamat sa Cebu

 Final week na simula sa Monday, Sept. 16 ng Binoy Henyo na napapanood bago ang 24 Oras, kaya naman ngayong Sabado, Sept. 14, magpapasalamat sina Sheena Halili, Luis Alandy, Gwen Zamora, at Lucho Ayala sa mga tagasubaybay nila sa pamamagitan ng isang mall show sa Cebu.

vuukle comment

ALMA MORENO

ANG BOY GOLDEN

ANGELINA JOLIE

ANGELINE JOLIE

ANNIKA DOLONIUS

ASH NORDSTROM

BE CAREFUL WITH MY HEART

STAR CINEMA

WYNWYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with