^

Pang Movies

Alden hindi na shorts ang isusuot sa pagrampa!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tomorrow na ang final episode ng Mundo Mo’y Akin pero nagti-taping pa rin sila, eight straight days taping iyon dahil wala silang nakabangkong episode, kaya hand-to-mouth sila ng taping. Malalaking eksena kasi ang kinunan kaya hindi puwedeng madaliin. Kaya nang bumisita kami sa taping nila last Tuesday evening, wala pa kaming nakuha kina Alden Richards, Fabio Ide, at Gabby Eigenmann, na galing pa sila noon sa Indang, Cavite at diretso na sila sa second location. Hindi pa raw nila alam kung paano magwawakas ang drama series na inabot din ng 25 weeks simula nang mag-pilot sila last March 18 na hindi binitiwan ng televiewers na dinirek nina Andoy Ranay at Mark dela Cruz, at nagtala ng mataas na rating gabi-gabi sa GMA 7.

Ayon kay Alden, may malungkot ding mangyayari sa story, pero magkakaroon ng realization sa mga characters at may reconciliations din.  Ang tanong, sina Jerome (Alden) at Marilyn (Louise delos Reyes) ba sa ending, paano si Darlene (Lauren Young)?

Abangan na lamang natin bukas, pagkatapos ng AnnaKareNina.

At kung malungkot si Alden sa pagtatapos ng serye nila, masaya na rin siya dahil magkakaroon na siya ng enough time na makapag-prepare sa pagrampa niya sa Cosmo Bash sa September 24. Thankful din si Alden dahil malakas ang  sale ng Cosmopolitan Men mag na double cover sila ng kapwa Kapuso actor na si Tom Rodriguez. Ngumiti na lamang siya nang sabihin sa kanyang mas malakas ang benta ng magazine na siya ang nasa cover.

Sa tanong kung ano ang isusuot niya sa pagrampa, less clothing daw, mas maikli kaysa shorts. As to his next project sa GMA, wala pa raw sinasabi sa kanya, kaya may time pa siyang mag-prepare as the new team leader ng Tweet Hearts sa Sunday All Stars na magsisimula sa September 15. 

Fabio wala pa ring girlfriend

Masaya at thankful ang Brazilian actor/model na si Fabio Ide nang ibalik muli ang character niya as George sa Mundo Mo’y Akin. Na-excite raw siya nang sabihan siyang ibabalik si George na mabait at mayaman na kaysa noong una na ninakawan niya ng pera ang girlfriend na si Perlita (Sunshine Dizon) at iniwanan na buntis. 

 Pinanindigan pa rin ni Fabio na hindi sila nagkaroon ng relasyon ng sexy actress na si Rufa Mae Quinto at wala rin siyang girlfriend ngayon.

                                 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANDOY RANAY

COSMO BASH

COSMOPOLITAN MEN

FABIO

FABIO IDE

GABBY EIGENMANN

LAUREN YOUNG

MUNDO MO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with