^

Pang Movies

Maricel biglang bumait, wala nang bakas ng pagtataray

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukhang maganda nga ang aura ngayon ni Maricel Soriano nang humarap siya sa press para sa promo ng kanyang pelikulang Momzillas. La­ging nakangiti si Maricel, tumatawa, nagbibigay ng kung anu-anong nakakatawang kuwento at nakikipagbiruan sa lahat. Hindi mo siya makikitaan ng pagtataray kagaya noong dati.

Ikinukuwento pa niya si Billy Crawford na hindi raw nauubusan ng kuwento, at walang kasawa-sawang magkuwento hanggang madaling araw.

Ang naging dating ni Maricel nang muli siyang humarap sa media matapos ang ilang panahon din ng pananahimik ay mukhang mas na­ging lovable pa siya. Mukhang napakalaki na nga nang ipinagbago ng kanyang buhay, at mas mukhang bata pa siya.

Wally nanahimik sa Sex Scandal

Wala pa ring statement ang ko­medyanteng si Wally Bayola sa ku­makalat na sex video na sinasa­bing siya at ang EB Babes na si Yosh Rivera ang makikita. Kumalat na iyon nang husto sa Internet at marami pa ang nag-share sa social networking site na Facebook. Basta may nagbukas ng Facebook, imposibleng hindi siya makakita ng kopya ng nasabing video. Sa amin nga lang, hindi lang yata sampu ang pumasok sa aming news feed.

Pero matapos na kumalat ang nasabing video, hindi napanood si Wally sa Eat Bulaga. Maaaring umiiwas lang muna sila sa controversy na iyon na makaka-apekto hindi lamang kay Wally kundi sa buong show, kung lalabas na totoo ngang siya ang nasa video. Hindi pa siguro maaapektuhan ang show kung ibang babae iyon, pero sinasabing si Yosh Rivera ‘yun na member ng EB Babes, na resident dancers ng Eat Bulaga, masama ang magiging tama noon sa show.

Siguro nga nag-iisip pa rin ang management ng Eat Bulaga kung ano ang kanilang gagawin, o kung paniniwalaan ba nila na si Wally at Yosh nga iyon. Kung hindi sila naniniwala na sina Wally at Yosh nga iyon, sigurado makakabalik agad si Wally sa show. Kung naniniwala naman sila, tiyak na magkakaroon din ng suspension si Wally.

Hindi ito ang unang pagkakataon na natsismis si Wally sa pakikipag-affair sa mga miyembro ng EB Babes. Noon may kumalat ding tsismis na nagkaroon siya ng affair sa isa pang member ng grupo.

Pero ang tanong nga na­min, bakit naman kasi kai­la­ngan pang gumawa ng video?

May edad na aktres, ginagastusan ang mga nagiging papa

Pagkatapos daw ng kanyang taping para sa isang show, mabilis na nawala ang isang mature female star, nag-out of town at nakipag-date sa isang lala­king bago lang niyang nakilala. Iyan kasing mature star na iyan ay sinasabing napakahilig sa mga lala­king bagets. Siyempre siya pa ang gumagastos sa kanilang date. Bakit nga ba nagkaganoon ang kanyang buhay?

 

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

EAT BULAGA

FACEBOOK

SHY

SIYA

WALLY

YOSH RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with