^

Pang Movies

Rayver boto kay Derek

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Dating magnobyo sina Rayver Cruz at Cristine Reyes pero, ayon sa binata, hindi sila nagkailangang dalawa sa pagsasamang muli sa Bukas na Lang Kita Mamahalin. Komportable sila ng ex-girlfriend at maganda pa rin ang working relationship.

Umamin na si Derek Ramsay na si Cristine ang dyowa nito. Nang hingian ng reaksiyon si Rayver tungkol dito, sinabi niyang okay sa kanya si Derek dahil mabait ito at nanggaling sa buena familia.

Idinagdag pa ni Rayver na hanggang ngayon ay nanatili ang pagiging mabuti nilang magkaibigan ng dating GF at ni Derek.

Angel nagulat sa kalokalike

Nag-e-enjoy na si Angel Locsin sa It’s Showtime bilang isa na rin sa mga regular host ng programa.

May isang portion sa show na Kalokalike at noong Sabado ay may isang contestant na hawig ni Angel. Nagulat nga ang aktres dahil pareho sila ng ayos ng buhok pati na ang kulay ng kasuotan at magkamukha nga lalo na sa mga mata at boses.

Nagustuhan ito ng audience at nanalo kasama rin ang ka-lookalike ni Billy Crawford.

CLAUDINE magpi-feeding program na lang kesa pumatol sa mga kapatid

Inamin ni Claudine Barretto na mas matapang na siya ngayon dahil sa kanyang mga anak. Lalaban na siya at ’di na magpapaapi.

Nariyan pa rin sa kanyang puso ang galit at ayaw nang pag-usapan ang dating asawang si Raymart Santiago.

Ayaw na rin nitong patulan ang patutsada ng mga kapatid at sinabing magpaka-busy na lang sila sa feeding program o kaya’y sa charity works.

Sa kabilang banda, nakakalungkot ang pahayag ng ama ng aktres na si Miguel Barretto na aniya’y mahirap nang mabuo pa ang kanilang pamilya. Napakahirap para sa magulang na nakikitang nagkakawatak-watak na ang kanyang mga anak.

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BILLY CRAWFORD

CLAUDINE BARRETTO

CRISTINE REYES

DEREK

DEREK RAMSAY

LANG KITA MAMAHALIN

MIGUEL BARRETTO

RAYMART SANTIAGO

RAYVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with