^

Pang Movies

Shaina, good catch para kay Piolo

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Puring-puri ni Piolo Pascual ang kanyang leading lady na si Shaina Madayao at sinabing sobrang sexy nito sa pelikulang OTJ (On the Job) na ginampanan ang papel bilang asawa niya.

“Totoong tao si Shaina at mabu­ting kaibigan. She’s a good catch,” sabi ni Piolo.

Sa OTJ ay nagpa-sexy na ang aktres at meron silang kissing scene ni Piolo.

Naiibang action film ang On the Job na prodyus ng Star Cinema at Reality Entertainment.

Markado ang role ni Joel Torre bilang si Tatang sa OTJ at dahil sa makatotohanang pagganap ay nanalo itong best actor sa 2013 Puchon International Fantastic Film Festival sa South Korea.

“Tatang is a role of a lifetime for an actor. Akala ko sa edad kong ito ay nakalinya na lang ako sa tatay roles, na you get to shoot in five days and that’s it. Pero OTJ made me a significant part of the story. Kapag napanood ang pelikula, malalaman kung bakit ito hinangaan sa abroad,” saad ni Joel.

Ang OTJ ay unang international award ni Joel na nakalabas na rin sa ilang international films. Ilan sa mga pelikula na naging memorable sa aktor ay ang Oro, Plata, Mata, sa direksiyon ni Peque Gallaga; ang Bayaning Third World na ginampanan niya ang karakter ni Dr. Jose Rizal; at ang Karnal, sa direksiyon ng namayapang si Marilou Diaz Abaya.

Ipapalabas na ito sa Aug. 28, sa direksiyon ng multi-awarded filmmaker na si Erik Matti.

 

vuukle comment

BAYANING THIRD WORLD

DR. JOSE RIZAL

ERIK MATTI

JOEL TORRE

MARILOU DIAZ ABAYA

ON THE JOB

PEQUE GALLAGA

PIOLO

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with