^

Pang Movies

Marian wini-wish na ng ‘good married life’ ng GMA boss

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Red-letter day hindi lamang kay Marian Rivera kundi sa fans din niya at ng boyfriend na si Dingdong Dantes ang Aug. 10 dahil punung-puno iyon ng mga balita tungkol sa Primetime Queen ng GMA Network, Inc. na nagsimula nang pumirma siya ng another three years na exclusive contract.

Nagkatawanan after the contract-signing nang hingan ng entertainment press ng birthday wish for Marian si Atty. Felipe Gozon at sabi niya: “All the success, good married life, and stay being yourself.”

Si Mr. Duavit, sabi naman niya ay sinisegundahan niya ang sinabi ni Atty. Gozon at good health and success din ang wish niya kay Marian.

Tumuloy si Marian sa StarTalkTX at muli niyang inulit na sa pagsi-celebrate niya ng kanyang 29th birthday today, na pinapili siya ni Dingdong, kung ano ang gusto niyang birthday gift, sa isang lugar na puwede siyang mag-shopping galore or somewhere na makakapag-relax siya like in a paradise. Ang huli ang pinili niya pero hindi niya alam kung saan iyon. Promise niya, makikita kung saan sila nagpunta sa ipo-post nila sa kanilang Instragram. 

Kinagabihan, binigyan naman ng isang advance birthday dinner si Marian ng Triple A (All Access to Artists) sa Prime 01 at dumalo ang top executives ng kanyang bagong talent agency at mga top executives din ng GMA Network at close friends nila. Umalis sila kahapon pero ayon kay Marian, babalik din sila ng Aug. 13 dahil may taping na si Dingdong ng Genesis at siya naman ay makikipag-meeting na sa GMA para sa upcoming shows niya na baka isang soap at isang sitcom.

Mundo… cast masaya sa extension

Muling nagkaroon ng two-week extension ang primetime drama na Mundo Mo’y Akin kaya matatapos ito first week pa ng September, sa halip na Aug. 23. 

Siyempre masaya at thankful ang buong cast headed by Jaclyn Jose, Gabby Eigenmann, Angelika dela Cruz, Sunshine Dizon, Alden Richards, Lauren Young, and Louise delos Reyes. Marami pa kasing twists ang story at hindi mawawalan ng aabangan ang mga televiewer. 

Regine at Jolina nagbalikan sa SAS

It’s nice to see Regine Velasquez-Alcasid back sa Sunday All Stars kahapon. Tuluy-tuloy na kaya ang pag-appear niya sa show o dahil lamang nandoon din ang husband niyang si Ogie Alcasid na nag-perform muli para mag-promote ng kanyang coming concert sa Friday, Aug. 16? 

Bumalik na rin si Jolina Magdangal-Escueta sa show na kahit medyo malusog ay beauty naman. Nakalampas na raw kasi siya sa three months na medyo delikado ang kanyang pagbubuntis.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALL ACCESS

DINGDONG DANTES

FELIPE GOZON

GABBY EIGENMANN

JACLYN JOSE

JOLINA MAGDANGAL-ESCUETA

LAUREN YOUNG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with