^

Pang Movies

Para lang makagawa ng pelikula BISTEK P33M ang nautang sa bangko !

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

“Nakataya ang kabuhayan ng buong pamilya namin dito pare, ipinangutang ko ito talaga kasi lumaki ang puhunan eh. Inabot kami ng 33M, hindi naman ganoon ang plano noong una pero lumaki nang lumaki ang project. Maitatanong ninyo iyan sa Security Bank,” ang buong tapang na sinabi pa ni Mayor Herbert Bautista tungkol sa pelikula niyang Raketeros.

Noong una raw kasi, talagang low budget lamang ang pelikula nila, kaso habang nasa shooting sila ay nanganganak ang ideya sa tuwing magkakausap-usap sila. Ina­amin nila na pinakiusapan naman nila ang mga artista na maliit lang ang budget nila, pero sa rami at sa laki ng mga artistang isinama nila sa pelikula, talagang lumobo ang kanilang budget.

Pero bakit nga ba siya namuhunan nang ganoon kalaki sa isang pelikula sa panahong ito ng krisis?

“Alam mo naman kahit na noong araw, nasanay tayo sa paggawa ng pelikula na wala tayong iniisip kung ‘di iyong masiyahan lahat ng manonood sa atin. Hindi naman sa pagyayabang pero siguro naman ang mga pelikulang ginawa ko noong araw puro mahuhusay naman, at saka ang mga director ko noong araw talagang magagaling. Iyong pamilya namin galing sa showbusiness lahat. Alam mo naman ang values ng mga nasa showbusiness, gusto lagi masiyahan ang tao. Palagay ko iyon ang nangibabaw sa akin noong ginagawa naming ang Raketeros kaya lumaki talaga nang ganyan ang budget,” sabi pa ni Mayor Bistek.

Bit player pinaghubad lang sa indie film

May narinig na naman kaming isang kuwento. May isang bit player daw na inalok na lumabas sa isang pelikulang indie, pero bold. Pumayag naman ang bit player dahil sa paniwalang magandang break na rin iyon at baka mapansin siya. Kaso pagkatapos ng malalaswang eksena, wala na pala siyang role.

vuukle comment

ALAM

INA

INABOT

IYONG

MAYOR BISTEK

MAYOR HERBERT BAUTISTA

NAMAN

RAKETEROS

SECURITY BANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with