^

Pang Movies

Abra aminadong apektado na ang privacy

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Saksi kami kung paano pagkaguluhan ng mga kabataan lalo na ng mga kababaihan ang bagong rap sensation na si Abra na ang tunay na pangalan ay Raymond Abracosa.

Sa kanyang presscon ay nagparinig ito ng mga sikat niyang rap songs gaya ng Gayuma na nakakuha ng anim na milyong views sa YouTube. Nang magparinig ito ng mga ni-rap niya ay naroon ang kanyang mga tagahanga na sobra ang pagta­taguyod at suporta sa kanya.

Nang makatsikahan namin si Abra ay sinabi na isa hanggang tatlong oras ay nakakapag-compose na siya ng awitin, depende sa kanyang mood. Ang kanyang mga idea ay batay sa panonood ng sine at nangyayari sa araw-araw na buhay at pinagsasama-sama niya hanggang makabuo ng awitin.

Sobrang saya ng kanyang buhay ngayon bilang isang celebrity pero ina­ming nabawasan din ang kanyang privacy.

Inaabangan na ang kanyang concert sa Aug. 17 sa Circuit Makati kung saan ang konsepto ay mula sa award-winning director na si Jonathan Ong, sa direksiyon ni Candy Manalo.

Ito’y mula sa Grandslam Production na creator ng TV show na StarCamp, isang reality show para sa mga Fil-Am na gustong makagawa ng pangalan sa Philippine showbiz industry na mai-air sa MYXTV USA.

Carla nagiging palaban

Sa My Husband’s Lover ay iba’t iba ang komento na naririnig namin lalo na pagdating sa relasyon ng mag-asawang Lally at Vincent na ginagampanan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Hindi akma kay Lally ang mga kasabihan na kapag nag-asawa na ay tanggapin ang kabiyak maging sino pa siya kahit bakla o nahuling karelasyon ng kapwa bading na si Dennis Trillo.

Bilang makabagong babae sa makabagong panahon, palaban na si Lally. Gaganti ito at gaganti para maipadama ang sakit nang naidulot nang kumabit sa bading na si Eric.

vuukle comment

ABRA

CANDY MANALO

CARLA ABELLANA

CIRCUIT MAKATI

DENNIS TRILLO

GRANDSLAM PRODUCTION

JONATHAN ONG

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with