^

Pang Movies

Nakukulangan sa ngipin ng batas sa kasalukuyan AiAi kakandidato sa Congress para makaganti kay Jed

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sorry, hindi dumaan sa Las Vegas, Nevada si AiAi delas Alas sa nakaraang biyahe niya sa Amerika kahit na ilang oras lang ang biyahe mula sa Los Angeles patungo sa state na pinagdausan ng kasal nila ni Jed Salang.

“Day, after five years siguro bago ako tumuntong sa Las Vegas! Trauma pa ang lola mo sa lugar na ’yon! Hahaha!” bulalas ni AiAi sa amin nang makipagtsikahan sa Zirkoh bar sa Quezon City kahit ngarag-ngaragan pa sa jet lag.

Naranasan na rin kasi ni AiAi ang magpa-annul ng kasal nila ni Miguel Vera. Aminado siyang mahirap magpa-annul lalo na sa atin.

“Diyos ko, ikaw na ang ang kinawawa, ikaw pa itong magbaba­yad ng malaki upang maging malaya!

“Naku, dahil diyan, pumasok sa isip kong huwag nang tumakbo ng mayor sa Batangas sa 2016! Congressman na ang type kong takbuhan upang matulungan ko ang mga babaeng biktima ng violence! Feeling ko, kulang ang ngipin ng batas at agrabyado kaming mga babae. Kung hindi man sa Quezon City, sa Batangas ako tatakbo. Magpapatulong ako kay Governor Vilma (Santos-Recto)! Hahaha!” deklara ng komedyana.

Bukod sa Los Angeles, pumasyal din si AiAi kasama ang mga anak na sina Sancho, Niki, at Sophia sa San Francisco at New York City. Naghagulgulan silang mag-iina nang pabalik na siya ng ’Pinas.

Now that AiAi is back, mapapanood siya ng isang buwan sa Toda Max. Then aalis uli siya ng bansa upang mag-show. ’Tapos ay ang promotions ng movie nila ni Marian Rivera ang gagawin niya dahil October na ang showing nito.

Ay, wala sa gagawin niya ang balitang isasama siya sa filmfest entry ni Sen. Bong Revilla, Jr.?

“Nasabi na sa akin ’yon. Pero may kontrata ako sa Star Cinema. Sila ang magdedesisyon kung gagawin ko ’yon. Kaya nga hindi ko nagawa ’yung sa amin ni Bossing (Vic Sotto), ’di ba? Wala namang problema kaya lang ayokong makasuhan ng breach of contract. Alam mo na,” paliwanag ng Comedy Concert Queen.

So okay na okay na siya ngayon?

“Kaya nga ako kasama ninyo ngayon dahil gusto kong tumawa nang tumawa sa kuwento ninyo, ’no? Walang tanungan nga lang tungkol sa you know who, ’di ba? Sana nga, nakinig na ako sa sina­sa­bi mo nung una mo siyang makita. Hahaha!” natatawang katuwiran ni AiAi.

                                                                    

 

vuukle comment

BATANGAS

BONG REVILLA

COMEDY CONCERT QUEEN

GOVERNOR VILMA

HAHAHA

LAS VEGAS

LOS ANGELES

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with