^

Pang Movies

Jackie Forster humingi ng tawad sa mga anak, gumawa ng sariling video

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Marami ang touched doon sa lumabas na video ni Jackie Forster na nagpapaliwanag siya sa kanyang mga anak ng mga nangyari sa kanilang buhay. Inamin niya sa nasabing video na siguro nga ay nagkaroon siya ng pagkukulang sa mga anak dahil bata pa siya noon at nalilito pa sa mga bagay na dapat niyang gawin. Sixteen years old lang pala siya nang ipanganak ang kanilang panganay na si Andrei, at 18 naman nang ipanganak niya ang panga-lawa nilang si Kobe.

Kaya nga iyan ang sinasabi namin na hindi excuse ang bata ka pa at hindi mo alam ang gagawin mo sa buhay dahil in the first place, bakit ba siya nag-asawa ng ganung napakabata pa niya?

Actually, isang magandang leksiyon iyon hindi lamang para kay Jackie kundi sa iba pang mga kabataan na nagpipilit na mag-asawa nang wala sa tamang edad. Basta in love sila akala nila iyon na nga iyon pero basta dumarating na ang responsibilidad, hindi na nila alam ang gagawin nila. Ang kasunod ay tiyak na hiwalayan at ang maaapektuhan ay ang mga anak.

 Bagama’t siguro nga nagustuhan din namin ang paliwanag ni Jackie, mas maganda pa siguro kung kinunan niya ng video ang sarili niya habang nagpapaliwanag siya. Mas makikita ang kanyang sincerity kung ganoon ang ginawa niya.

Sarah walang dalang ‘anak’ nang dumating

Nakapaglagak na ng piyansa ang aktres na si Sarah Lahbati sa hukuman sa Makati City kaya agad namang kinansela ang pina-labas na warrant of arrest laban sa kanya. Ibig sabihin, in the meantime, ay makakapamuhay naman siya nang matahi-mik ma-li-ban na lang sa mga araw na kailangan siyang humarap sa korte.

Libelo ang kasong isinampa laban kay Sarah, matapos niyang ilabas sa kanyang social networking account na pinipilit siya diumano ng presidente ng GMA Films na si Atty. Annette Gozon-Abrogar at ng da-ting head ng kanilang talent center na si Arsi Baltazar na magpa-manage sa da-ting boyfriend ni Jolina Magdangal para makakuha ng mas maraming assignments. Nagbintang din si Sarah na matapos niyang tanggihan iyon ay pinag-initan na siya sa network.

Itinanggi iyon ni Abrogar at nagsampa nga ng kasong libelo laban kay Sarah. May bintang pang kaya umalis ang Fil-Swiss actress ay dahil gusto niyang takasan ang demanda, bukod sa tsismis na ikinakalat na baka buntis siya. Ngayong nagbalik siya, patay ang mga tsismis. Handa pala siyang harapin ang kaso at maglabas din ng mga ebidensiyang pabor sa kanya. At hindi siya buntis o nagbuntis.

Aktres na bipolar nagpapagamot na

Kung kami ang tatanungin, okay ang attitude ng isang aktres na patuloy na nagpapagamot dahil sa kanyang bipolar tendencies. At least, gusto niyang gumaling at magbago.

Hindi siya kagaya noong iba na umiiwas na masabing may tililing at kung anu-ano naman ang ginagawa na masasabi mong magagawa lamang talaga ng isang taong may baltik.

 

 

vuukle comment

ABROGAR

AKTRES

ANNETTE GOZON-ABROGAR

ARSI BALTAZAR

JACKIE FORSTER

JOLINA MAGDANGAL

MAKATI CITY

SARAH LAHBATI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with