^

Pang Movies

Boy Golden parang si Asiong Salonga kaya na-reject

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Sayang naman at hindi nakasama sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013 ang Boy Golden ni Laguna Gov. ER Ejercito na isa sa may pinakamagandang kasaysayan at si Boy Golden ang itinuturing na notorious goon pagdating sa mga babae dahil sa kaguwapuhan niya. Ang dahilan yata kung bakit rejected sa mga hurado, na ang pinuno ay si Atty. Francis Tolentino, ay parang hawig ang bagong pelikula sa Asiong Salonga na ginawa na rin ng actor-politician nung 2011.

Naku, puwede namang gawan ng retoke ng scriptwriter kung ’yun lang ang problema ’no?!

Si Boy Golden ay kapatid ni Baby Porcuna na napakagandang babae at ina siya ng aktres na si Deborah Sun at naging maybahay ng yumaong aktor at direktor na si Leroy Salvador. Nakilala namin si Baby sa shooting ng pelikulang Hindi sa Iyo ang Mundo, Baby Porcuna na ginampanan ng magandang aktres na si Beth Bautista na naging best actress sa Urian Awards at best picture pa ang pelikula. Ngayon lang namin nalaman na namatay na last year si Baby Porcuna.

Derek umurong manligaw kay Ritz, hindi umubra sa bantay na tatay

Ewan kung true ang nasagap naming balita na nagtangkang ligawan ng hunk actor na si Derek Ramsay si Ritz Azul pero hindi makakuha ng tiyempo kasi laging nakatutok ang ama ng aktres sa taping ng ginagawa nilang series sa TV5 dati, ang Kidlat. At knows naman natin si Derek na shy guy at super gentleman.

Hindi mo naman masisisi si Mr. Azul, ang tatay ng napakagandang leading lady ni Christopher de Leon sa Misibis Bay ngayon, eh 19 years old lang si Ritz at only child pa kaya! Tiyaga lang at lakas ng loob, Derek, kung seryoso ka.

Magandang bading na-trauma sa ginawa ng sanggano!

Ang ganda ng kuwento ng isang katotong hanggang ngayon ay maituturing na “dalaGay” pa dahil sa taglay na edad ay wala siyang steady boyfriend. Nagkaroon siya ng memorable experience sa isang kilabot na babaero na hanggang ngayon ay kilala pa rin ang pangalan sa mundo ng mga sanggano.

At the age of 14, hinablot ng babaero ang “dalaGay” na alam namin na totoong maganda during his/her young days. Na-trauma yata siya, natakot, at hindi na niya itinuloy ang kuwento.

Bakit kaya? May ginawa kaya sa kanya na exciting ang notorious guy? Naging silent ang paligid, ang lahat ay nagtinginan na lang!

vuukle comment

ASIONG SALONGA

BABY PORCUNA

BETH BAUTISTA

BOY GOLDEN

DEBORAH SUN

DEREK

DEREK RAMSAY

FRANCIS TOLENTINO

LAGUNA GOV

LEROY SALVADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with