^

Pang Movies

Richard kay Marian nakatikim ng totoong halikan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

“Hindi ang My Lady Boss ang last movie ko sa GMA dahil may contract pa rin ako sa kanila. Nagpasya lamang muna akong magpahinga at mag-aaral ako ng filmmaking sa Big Foot International Academy of Films and Television in Mactan, Cebu,” kuwento ni Richard sa pocket interview sa kanya. â€œMga four months lamang naman iyon pero kung may project na io-offer sa akin, madali naman akong bumalik ng Manila.” 

In this connection, nag-issue ng statement ang GMA Network, Inc. tungkol sa contract ni Richard sa kanila through Mr. Butch Raquel, consultant ng corporate communications department:

“The exclusive television contract of Richard Gutierrez with GMA Network expired on May 28, 2013.

 â€œAs mutually agreed upon by both parties, Richard is now a freelance actor for TV and still has a live contract with GMA Films. 

 â€œWe thank him for the eleven years of being an exclusive Kapuso and wish him well in his future endeavors.”

Inamin ni Richard na he feels fulfilled in his 11 years stay in GMA at wala siyang mairereklamo sa treatment sa kanya ng network. 

“May mga nangyari rin na hindi maganda personally, sa mga taong iyon, pero ang nagmarka sa akin ay ang magagandang nangyari. Kahit halos wala akong bakasyon, dahil nagkasunud-sunod naman talaga ang mga project ko, hindi ko inisip na magbakasyon nang matagal. Kapag pinayagan nila akong mag-leave for two weeks na may ginagawa akong project hindi rin ako mapalagay dahil ang naiisip ko ang iniwanang trabaho. Ngayon, may time na akong magbakasyon na wala nang iisiping iba. I am not closing any contract na darating sa akin pero magri-rest muna ako.

 â€œIsa sa hindi ko malilimutan, ang friendship namin ni Marian (Rivera), na nagsimula nang magsama kami sa first movie namin na My Best Friend’s Girlfriend. Naroon pa rin ang bonding namin, nanatili ang respect namin sa isa’t isa. Sa shooting napag-uusapan namin ang lahat ng bagay kaya kahit five years kaming hindi nagka­trabaho we remain very close and comfortable sa paggawa ng aming mga eksena,” sabi ng aktor.

Biniro tuloy si Richard kung kasama ba roon ang first real kissing scene nila ni Marian sa movie? 

“Yes kaya nga excited na rin akong mapanood ang movie.”

Sa Linggo na ang premiere showing ng pelikula nila sa SM Megamall Cinema 10. Sa Wednesday naman, July 3, ang showing in cinemas nationwide.

vuukle comment

AKONG

BIG FOOT INTERNATIONAL ACADEMY OF FILMS AND TELEVISION

MEGAMALL CINEMA

MR. BUTCH RAQUEL

MY BEST FRIEND

MY LADY BOSS

RICHARD GUTIERREZ

SA LINGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with