^

Pang Movies

Pakikipag-relasyon ni Charice sa kapwa babae,hindi tanggap sa simbahan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi lang ni ya inamin na tomboy siya, isinama pa ni Charice Pempengco sa isang TV interview ang singer na si Alyssa Quijano at inamin nilang dalawa ang kanilang relasyon. 

Nagkaroon ng reaksiyon diyan ang media, iba’t ibang opinion ang lumabas. Maski nga mga celebrities may opinion din. Sinabi ni Kuh Ledesma na dapat daw hindi na inilalabas ang ganoon. Sinabi naman ni Lea Salonga na suportado niya ang pag-amin ni Charice na siya ay lesbiyana.

May sinabi naman ang ninong ni Charice, na ang paniwala daw niya mahigit na isandaang milyon na dapat pa sanang kitain ni Charice ang nawala dahil sa pag-amin niya na isa siyang lesbiyana. Maging ang international media, marami ang nagsasabing nasayang na ang kanyang career dahil nagustuhan siya noon sa abroad bilang isang batang babae na maganda ang boses at napapanood nila sa Internet. Iyon daw ang dahilan kung bakit nagkaroon ng interest kay Charice ang American television audience, at nalagay pa siya sa Glee. Pero mukhang walang market doon ang isang lesbiyanang kagaya niya.

May isa pang artista na nagsabi sa amin, ok lang daw kung lesbiyana si Charice kung sana magandang lumabas ang kanyang pagiging lesbiyana. May mga lesbiyana naman kasing magaganda. Eh kaso si Charice nagpalagay pa ng mga tattoo sa katawan kaya lumabas na “para siyang tomboy na goons.” At iyon nga raw ang hindi maganda.

Kung kami ang tatanungin, iyang ginawang pag-amin ni Charice sa national television, na nagsasabing siya nga ay isang lesbiyana, ay isang statement na baka pagsisihan niya pagdating ng araw. Una na nga sa relihiyon. Iyang sina Charice sa pagkakaalam namin ay kasapi ng Iglesia ni Cristo. Pero mukhang hindi na at nagpabinyag iyan sa Katoliko para lamang maging ninang niya si Oprah Winfrey. Hindi kinukunsinti ng simbahang Katoliko iyang lesbiyanismo, at lalo na ang pakikipagtalik sa kapwa babae na mukhang siya namang inaamin na nilang nangyayari sa ngayon.

Saan nga kaya pupulutin si Charice pagkatapos ng kontrobersiyang ito?

LJ todo-takip kay Paulo kahit tapos na ang maliligayang araw nila

Pilit pa ring ipinagtatanggol ni LJ Reyes ang kanyang dating boyfriend at ama ng kanyang anak na si Paulo Avelino, at sinasabing ok lang sila, kahit na nga nagpapakatanggi-tanggi ang lalaki na magbigay pa ng comment tungkol sa kanya at sa kanyang anak.

Balita rin naman na lumayas na si Paulo sa bahay nina LJ, kung saan siya dati tumira kasama ang kanilang anak. Hindi maliwanag ngayon kung saan nakatira si Paulo. Noong araw nakatira siya sa isang condo sa Makati, kasama ang indie actor na si Harry Laurel, dahil iisa raw ang pinagmulan nilang manager.

Halatang pinagtatakpan nang husto ni LJ si Paulo, dahil baka nga naman kung magsalita pa siya nang kung ano ay makaapekto sa career nito na ina­asahan nilang aangat lalo ngayong nagpapa-sexy na siya kahit na sa mga pictorials niya. Model kasi ng brief si Paulo.

Pero aywan kung anong pagtatakip ni LJ ang uubra sa kanilang sitwasyon. Hindi pa kasi aminin ang totoo na tapos na ang kanilang maliligayang araw eh.

Aktres ipinagpalit ng BF sa lalaki

Sabi ng isang female star, tanggap naman daw niya na nakipag-split na sa kanya ang kanyang dating boyfriend, lalo na at nalaman niya ang katotohanan na hindi naman pala siya ipinagpalit sa ibang babae. Ang dati pala niyang boyfriend ay may boyfriend na rin ngayon.

vuukle comment

ALYSSA QUIJANO

CHARICE

CHARICE PEMPENGCO

HARRY LAUREL

KUNG

NIYA

PAULO

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with