^

Pang Movies

Nagwagi sa PGT pinalakpakan ng kabadingan!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Malakas ang hiyawan at palakpakan ng mga kabadingan nang tanghaling grand champion ang 13-year old belter na si Roel Manlangit sa Pilipinas Got Talent, Season 4.

Tinawag siyang male Whitney Houston, at marahil alam na ninyo ang dahilan. Sobrang po­werful ang kanyang boses at minane lang ang pag-abot sa mga pinakamataas na nota.

Sa cash prize pa lang na P2 million, milyonaryo na si Roel. Marami pang premyo at mga darating na engagement kaya tuloy ang pasok ng mga milyones pang pera.

Mga artista sa Serendra nagtatago, ayaw mabuking na may unit sa mamahaling tirahan

Maraming mga celebrities ang nayanig sa lakas nang pagsabog sa Serendra a fews days ago. Ayaw naman nilang lumantad upang magsalita. Sikreto kasi na meron silang sa­riling unit sa expensive condominium sa The Fort. Lalo na ang isang macho na ang chismax ay give sa kanya ng kanyang guy lover na malapit sa Serendra.

Direk Dominic walang alam sa kabadingan

Very challenging ang tema ng My Husband’s Lovers pero nahihirapan din si Direktor Dominic Zapata sa pagsasalin ng delikadong kuwento sa isang maintrigang teledrama sa GMA 7.

To start with, walang background sa gay love ang progresibong direktor. Never niyang naranasan ang pumatol sa bading. Hindi sapat ang mga pagtatanong sa mga kafatid in showbiz o ang mga obserbasyon tungkol sa kanilang karanasan sa pag-ibig.

Naging kumpleto ang handicap ni Zapata sa paksa nang nilinaw na: “Wala kasing gay sa buong lahi namin,” mukhang kilala niya ang kanyang sariling angkan, mula sa kanununuan, hanggang sa kasalukuyan.

Kaya medyo nangapa ang direktor na first time tumalakay sa tila bawal na pag-ibig. Kaya lang tayo nakasiguro na mamahalin siya ng kabarong gay friend kong si Enriquetta, sa sweeping statement ni Dominic: “Love is beautiful sa lahat ng tao, kahit ano man ang katayuan mo sa buhay, mahirap o mayaman at kahit ano ang kasarian.”

Mula sa simula ng My Husband’s Lover hanggang sa patuloy na taping with lead stars Dennis Trillo, Carla Abellana, at ng Kapuso star na si Tom Rodriguez, nagsisikap sina Dominic, his cast and crew na ipakita kung gaano kaganda ang tunay na pag-ibig.

Nag-taping na sila sa Morong Bataan para sa wedding scene nina Carla at Dennis. Doon din kinunan ang magandang tagpuan ng dalawa bago ang kasalan.

So far, so good. Satisfied si Zapata sa sensitive portrayals ng kanyang mga artista na mapapanood natin ang premiere telecast on June 10 sa GMA Telebabad.

Trailer pa lang at sa music video ng My Husband’s Lover, humanga na ang mga nakapanood. Nag-aabang na sila sa simula ng teledrama on June 10.

Si Kuh Ledesma ang kumanta ng theme song na One More Try. Gumanap din siya bilang ina ni Vincent (Tom Rodriguez) sa bagong potential toprater sa GMA Telebabad.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

DENNIS TRILLO

DIREK DOMINIC

DIREKTOR DOMINIC ZAPATA

DOMINIC

MY HUSBAND

SERENDRA

TOM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with