^

Pang Movies

BB babalik sa raket sa NY

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Babalik uli si BB Gandanghari sa US dahil meron daw siyang aasikasuhin dun. Baka abutin siya ng tatlong buwan na mamamalagi sa Amerika.

Ngayong pa lang ay inaasikaso na ng kanyang booker ang mga gagawin niyang commitment pagdating sa New York. Tulad ng pagrampa sa stage kung saan siya muling magmo-model. Sabi ni BB, hindi problema ang kanyang edad kung modeling ang pag-uusapan. Suwerte lang niya dahil hindi siya nalilimitahan sa ganung raket sa ibang bansa.

Hindi niya alam kung sila pa rin ng dyowa niya kaya tatanungin niya ito ’pag nagkita sila uli sa US. Siya mismo ay nahirapan din sa long-distance affair nila ng American boyfriend.

Teejay nabuhayan ng loob sa Basement

Nabuhayan ng loob si Teejay Marquez nang sabihin sa kanya ng GMA 7 na magre-reshoot ng two days ang pelikulang Basement ng GMA Films dahil kasama rin siya sa pelikula.

Hindi lang niya alam kung tatanggalin ang eksena ni Sarah Lahbati dahil isa sa cast ang aktres na isa rin sa inaakala nang lahat na dahilan kung bakit naurong ang showing ng kanilang pelikula. Pero wala pa ring idea ang cast kung kailan talaga ipapalabas ang Basement, isang horror film. At least daw may good news sa kanila na aayusin ng GMA Films ang movie nila.

Samantala, bukod sa kasali siya sa Home Sweet Home ng Kapuso Network ay busy din si Teejay sa isang indie film na Florante at Laura at gaganap siyang Adolfo. Iikot din daw sa iba’t ibang school ang indie movie dahil ie-endorse ito para sa mga estudyante. Kasama rin sa pelikula sina Venus Raj at Ervic Vijandre na gaganap namang mga Florante at Laura pero hindi sila magkikita sa eksena ni Teejay dahil parang storyteller lang daw ang dalawa sa pelikula.

Ilang taon pa lang si Teejay sa showbiz pero napagawa na niya ng 3rd floor ang bahay nila sa Bulacan. Kaya thankful siya sa GMA 7 dahil hindi siya nawawalan ng trabaho. Plano naman niyang makaipon para makabili siya ng sariling kotse. Pipilitin din niyang matapos ang kanyang culinary arts na promise niya sa kanyang lola.

Miss Tourism World-Philippines malaki ang tsansa sa ibang bansa

Masayang nanalo si Aiyna Camille “AJ” Mikicz sa katatapos na Miss Tourism World-Philippines na napanood kagabi sa GMA News TV sa Channel 11. Bale siya ang lalaban sa Central South Africa sa darating na October. 

Kung dadapuan ng suwerte si Aiyna at makalusot sa laban ng nasabing international beauty pageant, hindi mapapahiya ang ’Pinas dahil malakas din ang kumpiyansa ng beauty queen sa kanyang sarili na bukod pa sa talagang brainy ay standout talaga ang kanyang ganda.

Mahaba-haba pa naman ang kanyang preparasyon kaya may chance pa siyang lalong maturuan ng mga dapat niyang matutunan para sa international beauty competition.  Isang Pinay ang mother niya at Amerikano naman ang ama.

vuukle comment

AIYNA CAMILLE

CENTRAL SOUTH AFRICA

DAHIL

ERVIC VIJANDRE

FLORANTE

MISS TOURISM WORLD-PHILIPPINES

NIYA

SIYA

TEEJAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with