^

Pang Movies

Buti na lang at may prenuptial AiAi malaki ang nagastos kay Jed

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Halos sabay na sumambulat nung Linggo ang kumpirmasyon ni AiAi de las Alas na hiwalay na sila ng asawa na si Jed Salang sa The Buzz at ang pagkamatay ng prima contravida sa si Bella Flores.

Mas higit nga lang na tinutukan ng bansa ang paghagulgol ni AiAi sa TV pati na ang rebelasyon ng hiwalayan kesa sa pagyao ni Tita Bella. Hanggang sa mga diyaryo kinabukasan, mas malalaki ang espasyo ng kontrobersiya kay AiAi kesa kay Tita Bella.

Patunay lang na mahilig talaga tayong Pinoy sa tsismis! Kasi naman wala pa ngang isang buwan ang naganap na kasalan kina AiAi at Jed, hiwalay na agad.

Saludo kami sa katapatan ni AiAi. May mga detalye man siyang hindi inihayag, malakas ang loob niyang isiwalat ang panggugulpi diumano sa kanya ni Jed, huh!

Of course, there’s another side of the story. Hindi kagaya ng nangyari sa buhay ni Tita Bella na mananatiling tahimik na siya sa kinaroroonan niya.

Eh si AiAi matapos na halos sagutin ang gastusin sa kasal pati na ang airfare, sa wala rin pala mauuwi ang lahat. At least, kikitain naman niya ’yung ginastos niya unlike kung walang prenuptial agreement eh tuluyan na siyang nahatian sa kinita niya sa showbiz at negosyo, ’di ba?

Eventually, she will see the light at the end of the tunnel. Maraming sumusuporta sa desisyon niya base sa mga maraming komento sa kanyang Instagram account. Binisita pa nga siya ni Willie Revillame kahapon sa bahay at bukod sa pakikiramay, binigyan pa siya ng LV bag at pati kasambahay sa bahay ay dinatungan ng TV5 host.

Sa ganang amin, isa lang ’yan sa mga shortcoming ni AiAi. Ginusto niyang magkaroon ng boyfriend/asawa thinking na si Jed na nga ang makakasama niya sa pagtanda niya. Mali na naman ang intuitions niya.

Naniniwala kaming hindi pa titigil ang comedienne sa kahahanap and in God’s time ay darating din ang lalaking magmamahal sa kanya bilang siya at hindi bilang siya si AiAi delas Alas!

Ang tanong: Lulutang kaya si Jed upang idepensa ang sarili sa rebelasyon ng ex-misis?

Marian suportado para mag-No. 1 sa paseksihan

Matakot na ang dapat matakot kung ang pagkuha ng number one sexiest ng FHM ang ibig ipakahulugan ni Marian Rivera sa kanyang Instagram account habang kasama sa picture ang bago niyang management team na Triple AAA.

Kasama kasi sa picture si Tony Tuviera na tatay-tatayan ng aktres pati na si Rams David na president ng management outfit pati na ilang executives ng kumpanya kaya may hinala ang ilan niyang followers na bubuhos ng todo ang grupo upang maging No. 1 sexiest si Yan Yan.

Sa kasalukuyang boto, si Marian ang numero uno. Si Sam Pinto ang mahigpit niyang kalaban at gaya ni Yan Yan, naging number one na rin ang sexy starlet ng GMA.

With Triple AAA backing Marian’s position, hindi nakapagtataka kung muli siyang hiranging pinaka-sexiest woman ng FHM!

 

vuukle comment

AIAI

BELLA FLORES

INSTAGRAM

JED SALANG

MARIAN RIVERA

NIYA

RAMS DAVID

SI SAM PINTO

TITA BELLA

YAN YAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with