^

Pang Movies

Pero nagsisisi sa pinagsasabi sa ex Janine Tugonon nakipagkita sa bokalista ng The Script sa Europe?

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Isang kaibigan ni Janine Tugonon ang source ng balita na pinagsisisihan ng ex-beauty queen ang mga sinabi niya sa Kris TV na puno’t dulo ng kanyang negative image.

Talagang nasa huli ang pagsisisi dahil hinusgahan na si Janine ng mga tao na na-turn off sa ipinakita niya sa national television. Ang sabi nga ni Papa Joseph Estrada, walang nag-imbento ng unang pagsisisi.

Pahinga muna ang Twitter account ni Janine. Walang update ang ex-beauty queen sa kanyang activities dahil nagpunta siya sa France para magbakasyon. At dahil nasa Europe siya, may chance na makipagkita si Janine sa band member ng The Script na nali-link sa kanya at reason ng breakup nila ng boyfriend na si Jaypee Santos.

Ryzza Mae kilig na kilig sa Atenistang basketbolista

Kilig na kilig si Ryzza Mae Dizon sa kanyang guest kahapon ha? Ang A­teneo basketball player na si Kiefer Ravena ang special guest ni Ryzza sa The Ryzza Mae Show. ’Daaay, kikay na kikay si Ryzza dahil tinanong nito kung type ng audience na i-kiss siya ni Kiefer.

At nang sumagot ng “oo” ang studio audience, nag-dialogue ang aleng maliit na hindi ito puwedeng magpahalik dahil bata pa siya.

Waging-wagi sa audience at televiewers ang tsikahan portion nina Ryzza at Kiefer dahil sa kakulitan ng bagets.

Claudine gusto nang magsalita tungkol sa kanila ni Raymart

May nagsabi sa akin na payag si Claudine Barretto na magpainterbyu tungkol sa mga bagong isyu na involved siya.

Kung may maglalakas-loob daw na lumapit at magtanong kay Claudine, sigu­rado na magsasalita ito para mabigyang-linaw ang mga kontrobersiya.

Ang kaso, nagdadalawang-isip ang mga reporter na interbyuhin si Claudine bilang respeto sa kanyang mister na si Raymart Santiago. Eh paano kung hindi naman tungkol kay Raymart ang itatanong kay Claudine kundi ang nabuhay na feud nila ng kanyang mga kapatid na sina Gretchen at Marjorie?

Matagal nang nananahimik si Claudine. Wala si­yang show. Hindi visible sa showbiz pero hindi nauubusan ng mga intriga na ipinupukol sa kanya. Mabuti na lang may mga tao na nagtatanggol kay Claudine. Kung sino sila? Malalaman natin sa mga susunod na araw.

Kim mahal ng mga TV camera

Nagagandahan ako sa mukha ni Kim Rodriguez, ang lead actress ng Kakambal ni Elia­na ng GMA 7.

Kabilang si Kim sa mga artista na mahal ng mga TV camera dahil kahit anong anggulo, maganda siya.

Malaki ang potensiyal na sumikat si Kim, basta huwag lolobo ang ulo niya at  magagandang mga TV project ang ibibigay sa kanya ng Kapuso Network.

Dahil sa mga nakapaligid, aktres takot magsalita laban sa ex

Hindi puwedeng magsalita ang aktres laban sa kanyang ex-boyfriend dahil afraid siya sa mga tao na nasa paligid ng dating karelasyon.

Walang naniniwala na magtatagal ang love affair ng dalawa kahit noon pa dahil sa ugali ng aktres na dapat magbago or else lalayasan talaga siya ng kanyang mga minamahal. Ang aktres ang iniiwanan ng mga ex na nasasakal sa kanyang ugali na pangit.

 

vuukle comment

ANG A

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DAHIL

JANINE

KANYANG

RYZZA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with