^

Pang Movies

Sikat na komedyana nadala sa loob ng tumatakbong truck habang nangangampanya

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Panahon na naman ng kampanya ng mga pulitiko. Hindi ko malilimutan ang kuwento ng aking kaibigang komedyana sa kanyang naging karanasan noon sa isang liblib na baryo in Quezon province.

Nangangampanya ang isang pulitiko at kinuha ang serbisyo ng komedyana bilang host ng programa kung saan may inimbitahang performers. Ang ginawa nilang stage ay isang mahabang trak na bukas ang likod. Nasa labas ng truck ang ginamit na ilaw at tanging microphone lang ang ginamit sa ibabaw ng truck. Ang sound system ay nasa ibaba lang sa gilid ng truck.

Nagsisimula na ang programa at nagsasa­lita na ang komedyana. Hustong gagamitin naman ang truck kaya kailangan nitong umalis na. Ayaw paawat ng komedyana kahit sinabihang kailangan nang umalis ang truck. Nang ayaw paawat ay sinimulan nang paandarin ng driver ang malaking sasakyan at nadala na ang komedyana. Kung hindi pa ito sumigaw ay hindi hihinto ang driver kaya bumaba na ang komedyana at muling nag-set up ng panibagong ayos at sa ibaba na lang ginawa ang programa. Mabuti na lang at gabi nang magsimula ang kampanya.

Lexi gustong mag-enroll ng interior design

Kontrabida na naman si Lexi Fernandez sa Ka­kambal ni Eliana bilang si Margarita. Hindi naman ito naghihinanakit kahit nauna pang magbida sa kanya si Kim Rodriguez. Pareho silang nanggaling sa Tween Hearts pero nauna pang bigyan ng break si Kim.

“Hindi naman ako nagtatampo sa GMA Artist Center dahil bagay kay Kim ’yung proyekto. Isa pa takot akong humawak ng ahas. Pero may eksena run na hahawak ako ng ahas. Dahil mahal ko ang aking trabaho kinaya ko rin.’’

Sinabi pa rin ni Lexi na kapag mabait ang karakter niya ay mahirap naman ang kanyang buhay at kapag mayaman naman ay salbahe siya.

Magtatapos na siya ng high school (home study) at balak kumuha ng interior design sa college sa St. Benilde o sa Ateneo.

Open ang communication nila ng kanyang daddy na naka-base sa Australia kung saan may iba na itong pamilya.

Masaya siya sa nangyayari sa kanyang career at naniniwalang bibigyan din siya ng malaking break ng GMA balang araw. May ibubuga naman sa pag-arte ang young actress — mapa-bida o mapa-kontrabida. Renewable ang kanyang kontrata for five years.

vuukle comment

ARTIST CENTER

ATENEO

AYAW

KIM RODRIGUEZ

LEXI

LEXI FERNANDEZ

NAMAN

ST. BENILDE

TWEEN HEARTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with