^

Pang Movies

Aktres hindi nakatiis sa nakakasukang amoy ng bibig ng kaparehang actor, sinabihan nang mag-toothbrush at magmumog ng mouthwash

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi nakatiis ang isang female celebrity na pagsabihan ang kanyang male co-star sa isang te­leserye dahil sa hindi magandang amoy ng hininga. Kahit na alam niya na makaka-offend siya, sige na lang basta mapigil ang amoy na laging lumalabas sa bibig ng male celebrity.

Marami kasi silang eksena na malapitan. At noong minsan na may eksenang binubulungan siya sa tenga, dun daw ay halos masuka ang female celeb sa hindi kaaya-ayang amoy na nagmumula sa bibig ng kapareha.

Ginawa naman niya ang ilang paraan para hindi na niya kailangang ma-mention na mabaho ang bibig ng male celeb. Inaalok niya ito ng mint candies, chocolates, at chewing gums. Ang kaso laging tumatanggi sa mga alok niya.

Mahilig pa naman daw kumain ang male celebrity ng mga sitsiryang maaanghang tulad ng Boy Bawang at ilang chips na spicy flavor. Sana raw ay nakikita niyang nagtu-toothbrush o nagmumumog man lang pagkatapos para mawala ang amoy. Pero iinom lang daw ito ng tubig at ‘yun na iyon.

Kaya noong gawin nila ang isang eksena na malapitan ulit ang usapan nila, halos maluha-luha si female celebrity sa naghalong anghang at baho ng bibig ng male celebrity.

After ng take ay kinausap na niya ang co-star na huwag magalit pero kailangan niyang mag-toothbrush at mag-gargle ng mouthwash dahil amoy na amoy ang mga kinain nitong sitsirya.

Medyo napahiya ang male celebrity at umalis na lang at nagtago sa kanyang dressing room.

Say ng female celeb, sana naman ay na-get na ang nais niyang iparating. Magaling pa naman daw na artista ang male celebrity kaso mabaho nga ang bibig. 

Aljur at Vin todo kayod!

Doble kayod ngayon ang magkapatid na Aljur at Vin Abrenica dahil malaking halaga ang nanakaw sa kanilang bahay noong nakaraang Holy Week.

Dalawang laptop computers, apat na cell phones, P200,000 in cash, at mga alahas na nagkakahalaga ng P250,000 ang nanakaw sa kanilang bahay noong magbakasyon sila sa kanilang resort sa Batangas.

Ayon sa imbestigasyon, inside job ang nangyaring pagnanakaw sa bahay ng mga Abrenica. Malamang na dating tauhan nila na may kopya ng susi ng kanilang bahay.

Wala naman kasing forced entry na nangyari dahil hindi naman nabuksan ang kanilang naka-lock na gate.

Mabuti na lang at parehong may trabaho ang magkapatid kaya mababawi nila ang mga nawala sa kanila. Pareho kasing nakakontrata ang mag-kuya sa magkaibang TV networks kaya assured sila ng sunud-sunod na trabaho.

Si Aljur ay kasama sa epicserye ng GMA 7 na Indio samantalang si Vin ay may teleserye na Never Say Goodbye sa TV5.

Susunod na laban ni Pacman Singapore at Macau lang ang pinagpipilian

Ibinalita sa Yahoo! news na ang susunod na laban ni Rep. Manny Pacquiao ay baka maganap sa Macau o ‘di kaya ay sa Singapore.

Ayon sa promoter ni Pacquiao na si Bob Arum, inaayos nito ang ika-limang laban ni Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa September at napipisil niya ang Venetian Hotel and Casino sa Macau o sa Singapore.

The thing we’re waiting on is which one of their hotels they want to do it at,” sabi ni Arum.

Bukod kay Marquez ay may posibilidad na si Timothy Bradley ang makasagupa ulit ni Pacquaio.

Hindi magiging available ang MGM Grand Hotel sa Las Vegas, Nevada sa September date na napagkasunduan nina Pacquiao at Arum dahil naka-reserve na ito para sa laban ni Floyd Mayweather, Jr. at isa pang boxer.

vuukle comment

ALJUR

AYON

BOB ARUM

BOY BAWANG

FLOYD MAYWEATHER

GRAND HOTEL

HOLY WEEK

JUAN MANUEL MARQUEZ

MACAU

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with