^

Pang Movies

Away nina Cristine at Ara umabot ng isang taon

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa wakas ay mukhang nagkabati na ang magkapatid na sina Ara Mina at Cristine Reyes.

Kumalat kahapon ang balitang ito habang tini­tipa namin ang aming kolum dahil nag-upload si Cristine ng larawan sa kanyang Twitter and Instagram account kung saan ay makikitang masaya silang magkayakap ng kanyang ate Ara.

Sa picture ay may nakalagay na caption na “With the gift of listening comes the gift of healing.”

Maya-maya ay nag-post ulit ng bagong picture si Cristine and this time kasama naman nila ni Ara ang pamilya. Sa picture ay makikitang nakayakap pa rin siya sa kanyang ate at may caption na “Happiness. Love. Family”

Bagama’t walang detalyeng inilagay si Cristine, ano pa ba ang puwede mong isipin sa caption niya kundi they have kissed and made-up ng kanyang ate.

Marami na ring nag-comment sa larawan at masaya ang lahat sa pagkakabati ng magkapatid na may isang taon na ring magkaalitan.

Matatandaang last year, kung ‘di kami nagkakamali, panahon din ng Mahal na Araw nang magkaroon ng away sina Ara and Cristine.

Nakakatuwa naman na okay na sila ngayon and what a coincident, Mahal na Araw din sila nagkaa­yos.

Ayos!

Kahit… matatapos na

Magtatapos na ang hit kilig-serye ng ABS-CBN na Kahit Konting Pagtingin.

Eere ang finale episode ng TV series na pi­nag­bibidahan nina Angeline Quinto, Paulo Ave­lino, at Sam Milby sa Abril 12 (Biyernes).

Abangan kung kanino ba mapupunta si Angeline sa dalawa niyang leading men – kay Sam ba o kay Paulo?

Movie nina John Lloyd at Sarah naka-P65 m na

Sa panayam nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo last Sunday sa The Buzz ay inamin ng aktor na na-in-love rin siya sa leading lady.

“How is it possible not to fall in love with someone like Sarah?” say ni Lloydie.

Pero siyempre, alam naman natin na hindi naman natuloy ito sa isang relasyon at say nga ni Lloydie mas okay raw kung ano ang meron sila ni Sarah ngayon and that’s friendship at ang kanilang on-screen tandem na talaga namang very successful.

“Wala naman siyang secret  (the team-up). Parang every chemistry naman, iba ‘yung chemistry ko let’s say with Toni (Gonzaga), iba-iba siya eh. Para siyang gift or blessing na nabibigay sa dalawang tao dahil magkakaiba, hindi pare-pareho,” he said.

Sa kasalukuyan ay namamayagpag sa box-office ang third installment ng team-up nila na It Takes a Man and a Woman at nagpapasalamat ang dalawa sa lahat ng mga sumuporta. Balitang P65 million na ang kinita nito sa dalawang araw na pagpapalabas sa mga sinehan.

   

 

 

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

ARA AND CRISTINE

ARA MINA

ARAW

CRISTINE

CRISTINE REYES

IT TAKES

JOHN LLOYD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with