^

Pang Movies

Sunshine licensed cook na, pagiging chef naman ang puntirya

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Inamin ni Sunshine Dizon na may magandang offer sa kanya ang TV5 pero hinintay daw niya kung ano ang magiging offer naman ng GMA 7 bago siya gumawa ng desisyon. At obvious ngang mas pinili niya ang Kapuso Network dahil pumirma na nga siya ng panibagong exclusive network contract at nasa primetime series siya na Mundo Mo’y Akin.

“I really appreciated the offer that came from TV5. Natuwa naman ako at na-consider nila akong kunin. But of course priority ko ang home network ko.

 â€œWhen GMA 7 told na ganito ang mga magiging project ko hindi na ako nagdalawang isip,” saad ni Sunshine.

Naintindihan naman ng istasyon ang situwasyon ni Sunshine dahil dalawa na ang anak nito. Kaya maluwag din sila sa schedule ng aktres dahil umuuwi pa siya sa Guagua, Pampanga.

Kinakarir na ni Sunshine ang pagpapapayat at nabawasan na siya ng almost 20 pounds.

 â€œSalamat kay Dr. Manny Calayan. They did everything para mabilis at effective ang pagpapapayat ko. Mga non-evasive procedure naman lahat.

 â€œI’m on a diet na rin and I’m doing light exercises. Paunti-unti para bumalik sa dati nating figure,” sabi pa niya.

Tuloy din ang pag-aaral ni Sunshine ng kanyang culinary arts studies. Ngayon ay licensed cook na siya at ang pagiging chef naman ang puntirya niya.

Male actor kakaiba ang trip sa taping, mga katrabaho nabubuwang sa ugali

Inamin ng young actress na ito na sobra siyang na-weirdo-han sa male actor na kanyang naging leading man sa isang teleserye.

Akala niya ay siya lang ang nakakapansin sa kakaibang kinikilos ng male actor pero halos lahat pala sa set ay iisa lang ang sinasabi sa male actor.

Kuwento ng young actress na minsan daw noong mag-dinner break sila ay niyaya niya ang male actor na kumain na kasama sila. Nagso-solo lang kasi ito at ang la­ging kasama ay ang kanyang alalay.

Nag-beg off ang male actor dahil hindi naman siya nagugutom. Magpapahinga na lang daw sa kanyang tent.

Nang matapos ang dinner break ay nag-resume ang taping pero hindi pa lumalabas ang male actor sa kanyang tent dahil tulog pa. Super hilik pa nga raw.

Ilang beses na itong binalik-balikan ng production staff pero hindi magising-gising. Ultimo ang alalay ay hindi kayang gisingin ang kanyang amo.

Naalarma na ang buong staff dahil baka kung ano na ang nangyayari sa male actor. Handa na nga nilang dalhin sa ospital dahil worried na silang lahat.

Pero biglang tumayo na lang ang male actor na parang walang alam sa nangyayari sa paligid niya. Ready na raw siyang mag-taping.

Noong dumating na sa set ay tatawa-tawa pa ang aktor. Nagbulungan tuloy ang production staff dahil parang baliw na at hindi nila alam kung ano ang trip.

Kaya ang young actress hindi alam kung ano ang ikikilos kapag nasa tabi na niya ang male actor. Minsan daw kasi ay sobrang daldal kausap at minsan naman ay walang kibo.

Kaya tama lang na ma-weirdo-han ang lahat sa male actor dahil sa taglay na  kakaibang trip na siya lang ang nakakaintindi.

 

vuukle comment

ACTOR

DAHIL

DR. MANNY CALAYAN

INAMIN

KAYA

MALE

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with