^

Pang Movies

Nanay nagsalita na Julia Montes bawal mabaling ang atensiyon sa mga lalaki!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Mula mismo sa mother ni Julia Montes, ipinakiusap niya ang kanyang anak na huwag munang ibaling ang atensiyon sa mga lalaki. Gusto ng mader ng debutante na mag-concentrate ang young actress sa kanyang blooming career.

Ngayon, maniniwala pa ba tayo sa mga pasakalyeng may mga nabuong romansa kay Julia at kanyang mga leading men? Sakay lang nang sakay sa mga promo gimmick para tuluy-tuloy ang asenso sa pag-aartista ni Julia.

Ala-Sir Chief makukuha rin sa JLD Talent Management

Nasa third month pa lang tayo ng 2013 pero siguradong magiging best showbiz event ang management ng imaging specialist na si Jojie Dingcong and his carefully selected roster of personalities in his own JLD Talent Management, ang ‘‘love party’’ last Tuesday.

Extended nga ang love month para sa kanila dahil na-postpone ang original schedule ng JLD thanksgiving party for showbiz media from Feb. 12 to March 12. Worth the long wait dahil Jodie and his artists made us feel well-loved and important.

Ang bonggang okasyon, ginawa sa Congo Grill, na isa sa pitong restaurant owned and managed by one of his ta­lents, Raymond Yap. Kung umapaw ang good food and drinks, higit na na-appreciate ng press ang maraming raffle prizes. From Timex and Swatch wristwatches to iPad, la­test models of cell phones, home appliances, cash prizes, na halos lahat ng dumalo ay nagwagi.

Marami sa mga artist ni Jojie ay nasa level ng yuppies or young professionals kaya’t puwede sila sa role na ginagampanan ni Richard Yap. Isa sa mga very appealing ay ang konsehal from the lone district of Bacolod, si Carl Lopez, na mula sa mabunying angkan ng mga Calderrana-Lopez.

This young professional will surely succeed in whatever job he undertakes. Meron siyang charisma at mukhang ser­yosong maglingkod sa kanyang mga kababayan.

Hi­nahangaan na siya sa sinimulang clean-up project sa Bacolod. Nagiging malinis na ang ilog sa Bacolod at iba pang mga lagusan ng tubig dahil sa kasipagan ni Konsehal Carl.

Sa pagpasok niya sa showbiz, tiyak na matututo sa kanya ang mga batang ating artista ng wastong pagmamahal at dedikasyon sa trabaho.

Una kong napanood si John James Uy sa Enchanted Garden. Nagbida na pala siya sa mga indie film na Juana Change the Movie at Rigodon. Soon he will be featured as nemesis of Derek Ramsay in Kidlat.

Ang party na handog ng JLD sa press, daig pa ang mga hosted by big corporations. We will give ample space sa iba pang talents ni Jojie very soon.

Ang personality ni Oyo Sotto at kanyang strong appeal, pang leading man talaga. Tama lang na hindi na supporting role ang ginagampanan niya sa sitcom with his dad, Vic Sotto.

Siya ang vampirang tatay ni Bossing, kaya of equal importance ang kanilang papel sa GMA-M-Zet show every Saturday night.

Starlet subok na sa kalandian, isang bisexual at isang taga-production na may GF nakuha pareho

Pinagtsitsismisan ang likas na kalandian ng isang starlet. Ilan sa kanyang male co-stars ay natikman na ng malikot, pati ang bisexual actor na halos hayagan na ang mga affair with men.

Nang makita ang poging nasa production team, inakit pa rin at nagtatagumpay naman siya. Bumigay ang tinukso kahit may girlfriend na isang young actress.

vuukle comment

ALA-SIR CHIEF

BACOLOD

CARL LOPEZ

CONGO GRILL

DEREK RAMSAY

ENCHANTED GARDEN

FROM TIMEX AND SWATCH

TALENT MANAGEMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with