^

Pang Movies

Hindi bet ang showbiz, female celeb pinakanta, pinasayaw, at pinag-host na pero wala pa ring buhay kahit may ganda’t katawan naman

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Waley pa ring talagang improvement ang isang female persona­lity. Napilitan lang kasing pasukin nito ang showbiz eh reluctant talaga siyang pasukin ito dahil maging siya ay alam na hindi niya linya ang maging artista.

Pinaakting na ang personalidad, pinakanta, pinasayaw, at pinag-host. Pero matamlay pa rin ang dating niya. Walang buhay kahit may ganda naman siya’t katawan.

Obviously, hindi niya bet ang showbiz kaya kahit anong gawing build up sa kanya, nananatiling matamlay ang dating ng female celeb.

AiAi dineklara nang si Jed ang gustong makasama sa pagtanda, hindi na basta maniniwala sa mga sulsol

Nilabanan ni AiAi delas Alas ang pagiging judgmental niya sa boyfriend na si Jed Salang. Sa kanyang guesting sa The Buzz last Sunday, dineklara na niyang ang boyfriend ang gusto niyang makasama sa pagtanda niya.

Aminado si AiAi na nagkaroon ng lamat sa relasyon nila ni Jed kaya siya lumayas ng ilang araw at nag-isip, nagdasal at nagmuni-muni sa Amerika. Ramdam na ramdam daw ang lungkot sa kanya nung panahong ‘yon.

Sa kanyang pagbabalik, lalong nadiskubre niya ang isang ugali ni Jed nang magsimba sila sa Baclaran matapos magkaayos. Doon niya napagtanto ang iba pang ugali ng boyfriend na sa simbahan lang niya nalaman.

Kaya naman anumang paninira at pa­nunulsol sa kanya tungkol kay Jed, hindi na niya ito nanamnamin pa at pangingibabawin niya ang pagmamahal sa boyfriend kesa sa mga problemang dumarating sa kanila.

Gloria pinayuhan ang mga nagmamalditang artista

Ayaw tumanda ni Gloria Romero na magiging sagabal. Gusto niyang maging healthy pa rin at nakakasama ang kanyang pamilya.

 â€œGod is very good! Inaalagaan niya ako. Wala akong complaint. I’m so grateful talaga!” rason ni Tita Gloria nang makausap namin sa taping ng Forever.

Kaya naman bilang payo sa mga baguhan, “Maging professional. Mahalin ninyo ang trabaho ninyo kasi hindi naman ito gawang biro. Never forget to look back sa mga tumulong sa inyo along the way. Kasi hindi ninyo ito kayang gawing mag-isa. Lalo na sa inyo na press people, sa media, na naglalagay ng magandang write ups para sa amin. Ako I’m very grateful sa inyo. Lagi kong sinasabi, ’wag silang magmalaki. Huwag silang magsuplada. Be humble all the time.”

vuukle comment

AKO I

AMERIKA

AMINADO

AYAW

GLORIA ROMERO

JED SALANG

KAYA

NIYA

TITA GLORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with