^

Pang Movies

Si Manny kaya? Mommy D. binilinan ng Birhen Maria, anak makakatikim ng disiplina

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Would you believe na isang visionary ang milagrosang si Mommy Dionisia Pacquiao? Ayon sa kanyang salaysay, na kailangang patunayan pa sa Vatican, ilang beses nang nagpakita sa kanya si Virgin Mary!

Ang say sa kanya ng Mahal na Birheng Maria, “Huwag kang malungkot, ako ang bahalang mag­disiplina sa anak mo.”

Sino kaya sa kanyang mga anak? Sana hindi naman si Rep. Manny Pacquiao ng Sarangani dahil may disiplina naman ang boxing world champion.

Naku, hindi po nabanggit na daughter-in-law ang tinutukoy ng apparition!

Young actor na diring-diri sa bakla nabukong kapisan ng mayamang pulitikong binabae rin

Tipong homophobic ang young actor kaya maraming nagulat nang mabatid na kabit siya ng rich gay politician. Siya kasi ang mukhang diring-diri sa mga baklesh. Asiwang-asiwa siyang makipag-usap kapag mga bading ang kaharap.

Biglang sumambulat ang kanyang itinatagong lihim dahil na rin sa mga taong malapit sa kanya. Nadulas ang dila ng isa nang hanapin ang aktor at itinurong nasa isang condo unit. Siyempre ang sponsor ng magarang tirahan ay ang mayamang lingkod-bayad.

Dati namang super rich ang family ng politician kaya kahit hindi siya naging opisyal ay can afford siyang bumili ng expensive condo unit at mga flashy car. Lalo pa ngang sinabing well endowed ang kanyang lover na actor!

BB atras sa ‘pagsasamantala’ sa dalawang leading men

Kahit patuloy na nadadawit si BB Gandanghari sa kanyang mga leading men sa stage play na Halik ng Tarantula, na sina Jovic Monsod at Jet Alcantara, pinagpipilitan ng leading lady na ginagawa niya lang iyun upang magkaroon ng magandang chemistry sa mga aktor.

Hanga si BB sa dedication ng dalawa sa teatro at ayaw niyang haluan ng malisya ang kanilang magandang relationship.

“Mahirap na, baka magkaroon ng negative effect sa aming play at madiskaril,” katuwiran ng stage ‘actress.’

Naunang Padilla sa showbiz lalaking-laki sa lahat ng anggulo

Nakita namin ang isang malinaw na larawan ni Jose Padilla, Jr. sa Tribute to a Movie Queen, Carmen Rosales book ni Manny Fernandez. Super kisig ang yumaong aktor, na isa sa mga naunang sumikat sa angkan ng mga Padilla.

Lalaking-lalaki ang FAMAS (Film Academy of Movie Arts and Scien­ces) Awards best actor winner for the movie Sawa sa Lumang Simboryo. Kahit saang anggulo titigan, hindi mapagkakamalang kafatid. Bakit, meron bang susunod sa mga yapak ni BB Gandanghari (Rustom Padilla) sa mga batang Padilla? Wala na tayong magagawa kung meron nga.

Pops aminadong mga bagets na ang type

Inamin ni Pops Fernandez na type niya ang guys who are younger than her. Ang dahilan ng singer/actress, single ang mga younger guy at higit na aggressive at confident.

Nabanggit niya tuloy na naka-date niya ang model na si Brad Turvey, noong na-annul na ang marriage niya kay Martin Nievera. Ang mga sumunod pang higit na seryoso niyang relasyon, sa mga bata-sa-kanyang mga lalaki.

Dressing room ng actor-host na-lock, tatlong sexy dancers ang lumabas na nagsusuklay ng buhok pagbukas

Biglang naka-lock ang dressing room na ka-share niya sa actor/host ng show, na hindi naman dating ginagawa ng kanyang ka-share.

Kahit malakas ang kanyang katok, hindi siya pinagbuksan. Naghintay siya ng matagal sa labas. Nang mag-open sesame, tatlong sexy dancers ang ka-join ng aktor. Wala po silang kasamang makeup artist sa room upang doon magpaayos ang mga chiching!

Obvious kung ano ang ginawa dahil dali-daling nagsuklay ang mga sexy nang ma-sight ang isa pang gagamit ng dressing room.

Kung Fu Divas tinambakan ng fight scenes

Sina AiAi delas Alas and Marian Rivera ang mga leading lady at co-producer sa Kung Fu Divas, isang action/comedy movie. Kasosyo nila sa venture si Dondon Monteverde na anak ni Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment, Inc.

Maraming special effects sa Kung Fu Divas, kasama ang mga palipad sa mga fight scene sa pelikulang may October playdate.

vuukle comment

ALAS AND MARIAN RIVERA

BIGLANG

BIRHENG MARIA

KAHIT

KANYANG

KUNG FU DIVAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with