^

Pang Movies

Pati pagsasagala papatulan na, female TV host na matsutsugi sa nagtitipid na show aligaga sa paghahanap ng pagkakakitaan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kinakabahan ngayon ang isang female TV host dahil hindi na ire-renew ng TV network ang kanyang kontrata kapag nag-expire na this month. Magkakaroon kasi ng reformatting ang show na kinabibilangan niya. Ang sinabi sa kanila na iilan lang ang mare-retain dahil na-slash ang budget ng show.

Kaya ‘yung may long-standing contract ang ma­ii­wan at ‘yung mag-e-expire na ang matsutsugi sa show.

Nalungkot nga ang female TV host dahil napa­ma­hal na sa kanya ang show at marami siyang natutunan sa kanyang mga ginagawa.

Loss parati ang programa pagdating sa commercial load kaya napilitan silang mag-downsize at nada­may silang mga magtatapos na ang kontrata.

Ang problema kasi ng female TV host ay ang lifestyle maintenance niya. Kailangan din niyang mag-downsize sa mga gastusin sa bahay dahil mawawalan na nga siya ng kikitain every day.

Mabuti na lang daw at bayad na niya ng buo ang kinuha niyang condo unit sa Mandaluyong City. Puwede na niyang ibenta or iparenta iyon kapag nagkagipitan.

Kailangan na rin niyang magbawas ng sasakyan. Baka ibenta na niya ang isa niyang kotse na malakas sa gasolina. Iiwan na lang niya  ang bagong bili niyang SUV (sports utility vehicle).

Magbabawas din siya ng mga babayaran na tauhan. Baka tsugi­in na niya ang kanyang personal assistant at ang kanyang kasambahay na lang ang isama niya. Tsugiin na rin niya ang kanyang driver dahil marunong naman siyang mag-drive.

Nakikipag-usap nga siya sa kanyang manager na i-book siya sa kahit na anong show sa probinsiya. Kahit raw mga sagala ay papatulan na niya basta may talent fee. Hindi na raw siya magiging choosy dahil dala nga ng matinding pangangailangan.

Mabuti na rin lang daw at may mga napirmahan siyang kontrata para sa ilang endorsements kaya may kinikita siya every month at may mga libreng bigay pa sa kanya ng mga produkto.

Kahit hindi raw kalakihan ang pay, okay lang basta may pantawid siya at ang kanyang pamilya buwan-buwan hanggang sa mag­karoon ulit siya ng regular na pagkakakitaan na show.

 

vuukle comment

IIWAN

KAHIT

KAILANGAN

KANYANG

MANDALUYONG CITY

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with