^

Pang Movies

Delta studio hinuhulaang mag-o-overload sa kuryente, artistang maraming pera nakaka-magnet ng disgrasya!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Isang psychic friend ang dumaraan along Quezon Ave. sa Quezon City. Nag-init ang kanyang buong katawan na tila nadarang sa malakas na apoy, pagtapat sa Delta theater-studio ng TV5.

‘‘Kailangang ipasuri sa mahusay na electrical engineer at iba pang expert sa kuryente ang buong building,’’ nasambit niya. ‘‘Baka may mga outlet o installation na ma-overload. Malalakas na ilaw, high-powered equipment, at technical facility ang gina­gamit nila. Hindi kaya ng basta mga outlet o simpleng kable lang.’’

Inusal pa niya na tila nagdarasal: ‘‘Isang artista, magnet sa maraming pera, pero magnet din sa disgrasya kapag nasa panahon. Mahirap na madamay na naman sa sakuna ang maraming tao.”

Martin kakaiba ang interpretasyon sa Maging Sino Ka Man

Naiiba ang interpretation ni Mar­tin Nievera ng Maging Sino Ka Man, ang main theme song sa bagong teleseryeng Juan dela Cruz. Kasama pa rin sa soundtrack ng show ang laganap na Pusong Bato.

Maaaring maglabas ang Star Records ng OSA o original soundtrack album ng Juan dela Cruz this month o sa mga sumusunod na buwan. Tiyak na may iba pang kantang masasali sa teleserye ni Coco Martin.

Narinig na ba ninyo ang bagong 3D (tatlong de­ka­da­ album) ni Martin? Selebrasyon ito ng 30 taon niya bilang recording artist/performer kaya pawang magaganda ang mga kanta at may bonus DVD pa ng mga music video.

Chinese drama films nakahilera sa Shangri-La mall

Mukhang napapanahon ang pelikulang 2 Become 1 sa Chinese Spring Film Festival, ongoing sa Shangri-La Plaza mall sa Mandaluyong City. Ang nasabing Chinese film ay tungkol sa isang lady executive na nagkaroon ng bukol sa kanyang dibdib.

Palabas din ang Piano in a Factory, na naghakot ng maraming awards sa China at isang dramang pampamilya.

Senatoriables kanya-kanya ng labas ng sariling dance video

Sino nga ba ang No. 1 sa survey ng mga senatorial candidates? Sabi ng iba si Sen. Loren Legarda. Meron namang si Sen. Chiz Escudero ang tinutukoy.

Naging higit na popular si Sen. Chiz dahil sa kanyang dance: Video na Oppa Gangnam Chiz na napapanood sa kanyang Facebook account. Ilan pa kayang senatoriables ang maglalabas ng video sa Facebook o Twitter?

Barbra Streisand pararangalan sa Film Society of Lincoln Center

Si Barbra Streisand ang nahirang na tumanggap ng 46th Annual Chaplin Award mula sa The Film Society of Lincoln Center on April 22 sa New York City.

Ang actress/singer/writer/producer/di­rec­tor ang tanging American artist na nag­wagi ng Oscar, Emmy, Grammy, Gol­den Globe, National Medal of Arts, Director’s Guild of America, at Peabody awards.

Buhay ng gay director maraming mahuhukay na karelasyon kapag isina-pelikula

Sa Pinoy scene, maraming interesado na gawing pelikula ang buhay ng isang gay director. Ayaw niyang ibigay sa iba ang rights ng kanyang sariling istorya. Marami raw madadamay, lalo na ang mga popular personalities na naging lovers niya!

vuukle comment

ANNUAL CHAPLIN AWARD

BARBRA STREISAND

CENTER

CHINESE SPRING FILM FESTIVAL

FILM SOCIETY OF LINCOLN CENTER

MAGING SINO KA MAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with