^

Pang Movies

Dawn gulat na gulat na biglang naging uso!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Amused na amused si Dawn Zulueta sa bagong word na “I-Dawn Zulueta mo ako” na usung-uso ngayon. Matatandaang si Vice Ganda ang nagpauso nito sa kanyang show na Gandang Gabi, Vice nang i-guest niya ang aktres at si Richard Gomez sa nasabing show.

 â€œIt’s really incredible, can I just say?” natatawang sabi ni Dawn tungkol dito. “Super so incredible.”

Dahil dun ay walang tigil ang pagte-thank you ng aktres kay Vice nung magkita sila last Saturday sa It’s Showtime.

“I said, ‘Alam mo, Vice, iba ka talaga. Ikaw lang talaga ang may ganyang klaseng influence na kayang-kaya mong magpauso.’

“Nag-trending na naman siya nung Sunday with ‘kilig-match!’ Oh my God, the guy talaga is so... I’m very grateful to Vice because dahil sa kanya, I’m a household name again.

“And not only that, I’m a verb! Level up,” say niyang natatawa at natawa rin ang lahat.

At totoo naman talaga dahil parati namin talagang naririnig ngayon ang term na “I-Dawn Zulueta mo ako!”

Samantala, asked kung may follow-up project pa ba sila ni Goma after the phenomenal Walang Hanggan, say ni Dawn ay mayroon silang movie and as soon as makita nila ang storyline ay baka ma-finalize na ito.

Ayon kay Dawn, manghang-mangha pa rin siya and up to now ay hindi pa rin siya makapaniwala na sobrang tinatangkilik pa rin ang team-up nila ni Goma.

“And any opportunity I get to thank the people who support us I do. Nag-e-enjoy naman kami sa mga guesting namin,” she said.

Next week ay magsisimula na si Dawn na mag-taping ng Bukas na Lang Kita Mamahalin with Gerald Anderson at minus Goma muna ito dahil as we all know ay replacement lang ang aktres dahil sa pagkakatanggal ni Maricel Soriano at late siyang nai-cast.

vuukle comment

GANDANG GABI

GERALD ANDERSON

GOMA

I-DAWN ZULUETA

LANG KITA MAMAHALIN

MARICEL SORIANO

RICHARD GOMEZ

VICE GANDA

WALANG HANGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with