^

Pang Movies

Anchorwoman tuyot na tuyot ang buhok, hairstyle paulit-ulit na lang!

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Ilang buwan na ang hairstyle ng pang-gabing anchorwoman. Parang hindi napapansin ng kanyang hairstylist na bukod sa paulit-ulit na pagkukulot lang sa dulo ng mahabang buhok ay wala ng idinagdag na bago.

Pero hindi naman ’yung paborito niyang hairstyle ang problema. Ang totoong problema ay kitang-kita na sa TV screen na tuyot na tuyot na ang dulo. Dry na dry ang ilalim na bahagi nang hair ng mamamahayag.

Mukhang napapa-trim naman niya paminsan-minsan ang kanyang crowning glory dahil hindi humaba-haba ang lagpas sa balikat na buhok. Pero pagkalipas ng ilang linggo ay makikita na naman ang dry na dulo ng may kulay niyang buhok.

Ang hinala ng iba, baka dahil sa masaganang hair spray at madalas na blower sa buhok ang sanhi ng pagkatuyot.

Subukan niya kaya minsang itali ang buhok o kaya ay huwag ng mag-hair spray kung nakalugay para hindi na kitang-kita ang naninigas na dulo at magmukha na lang natural ang bagsak ng kanyang buhok.

Suot na wig ni Iza kinabog ni Marian

Usapang buhok pa rin pero peke naman — ang wig nina Marian Rivera at Iza Calzado sa kani-kanilang show.

Lumabas na ang mga kuha ni Marian bilang da­ring na Chantal sa Temptation of Wife sa GMA 7 na naka-wig na. Sa kabilang istasyon pala ay nagbago na rin ng hairstyle si Iza bilang si Andrea ng Kahit Puso’y Masugatan. Parehong biniyayaan ng maganda at mahabang buhok ang dalawang aktres pero sa pagsusuot nila ng wig ay may lumamang.

Talbog ang brown wig ni Iza sa gamit na black wig ni Marian! Ang tigas kasi tingnan kahit sa TV lang ang suot ng Kapamilya actress kung ikukumpara sa ganda ng bagsak sa nakasalpak sa ulo ng Kapuso actress.

Gagastos na rin lang sa props, bakit kaya parang tinipid na mukhang nirenta lang sa kung saang parlor ang ipinasuot kay Iza? Uso naman ngayon ang pamahalan sa wig na mukhang natural kasi mas madali na yata itong mabili ngayon kahit imported. Kung matatandaan, maganda at mamahalin din ang ginamit ni Kris Bernal sa Coffee Prince nung “boyish” ang role niya. Sa totoong buhay ay mahaba rin ang buhok niya tulad nina Marian at Iza kaya nakapanghihinayang kung talagang basta na lang puputulin ng sobrang iksi para sa isang teleserye. Kaya wig ang mabilis na solusyon.

Pero ’yun nga, kapag nagkasabay-sabay o nagkasunud-sunod ang mga bida sa te­leserye na nagsusuot ng pekeng buhok ay mapagkukumpara talaga sila. Parang may battle of the wigs ngayon eh.

Ang isa sa mga pinaka-original na wig man ng telebisyon ay ang yumaong si Pepe Pimentel. Sa kanya ay tila natural at hindi naging katawa-tawa ang pagsusuot ng synthetic wig dahil bumagay ang pagdadala niya. Iginagalang kasi ang TV host-comedian na humawak ng noontime variety-game show na Kwarta o Kahon ng maraming taon.

Kung tutuusin puwede na siyang hindi mag-wig noon dahil may edad na siya nang maging TV host. Pero bilang entertainer kasi ay mahalaga sa kanila na maging presentable sa TV. O puwede ring para hindi masyadong masilaw ang nanonood kapag tinamaan ng spotlight ang ulo niya ’di ba? 

May ipare-rebyu?

E-mail: [email protected]

 

vuukle comment

BUHOK

COFFEE PRINCE

IZA

IZA CALZADO

KAHIT PUSO

KRIS BERNAL

PERO

WIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with