^

Pang Movies

Bida mamamatay sa 'Kahit Puso’y Masugatan’

Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang bibitiw sa mga matitindi at nakagugulantang na pasabog sa huling dalawang linggo ng Kahit Puso’y Masugatan.

Magaganap na ang paghaharap sa korte nina Andrea (Iza Calzado) at Rafael (Jake Cuenca) at kasabay nito ay ang pagluwal niya sa anak ng lalaking kanyang isinasakdal. Nananatili namang comatose si Miguel (Gabby Concepcion).

Samantala, malapit ng maisakatuparan ni Veronica (Andi Eigenmann) ang kanyang mga plano kasabay ng kanyang pagpapakasal kay Gerald (Robi Domingo). Tuluyan na kayang manaig ang kanyang kasamaan? Magising kaya si Miguel para masilayan ang anak ng asawang si Andrea? Ano ang magiging hatol kay Rafael at ang kaya niyang gawin makasama lang ang anak?

Isa rin sa apat na karakter na inyong minahal ang mamamatay sa pagtatapos ng kuwentong tumagos sa inyong mga puso. Sino sa kanila ang mamamaalam?

Huwag palalampasin ang huling dalawang linggo ng Kahit Puso’y Masugatan, Lunes hanggang Biyernes ng gabi, pagkatapos ng Kailangan Ko’y Ikaw sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

 

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

ANDREA

GABBY CONCEPCION

IZA CALZADO

JAKE CUENCA

KAHIT PUSO

KAILANGAN KO

MASUGATAN

MIGUEL

PRIMETIME BIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with