^

Pang Movies

Young actor panay hawi ng buhok, mahinhin ding maglakad

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Ano namang masama kung bakla o tipong bakla ang isang lalaki? Hindi naman komo’t maputi at flawless ang skin ay bakla na. Hindi rin porke panay ang hawi sa noo ng buhok ay bakla o kung mahinhin lumakad ay bading na nga. At bakit pilit pinaaamin ang isang lalaki ng kanyang tunay na kasarian dahil lang ba sa kumekembot kung lumalakad?

Eh ’yung young actor kasi ay parang nagbabadya na sooner ay mabubuko na siyang bading dahil nasa mga binanggit kong katangian na ilang makikita at mapapansin mo sa kanya.

Robin hinahabol ang edad ni Anne

Si Mariel Rodriguez and dahilan kung bakit batang-bata, makisig, at flawless ngayon si Robin Padilla na bumagay kay Anne Curtis sa bagong serye ng ABS-CBN, ang Kailangan Ko`y Ikaw. Kaya tilian ang fans na nanonood sa celebrity screening last Sunday sa Trinoma, Quezon City. Parang sina Robin at Anne ang bagong love team sa bagong serye pero ang isa pang leading lady ay si Kris Aquino.

Direk Lino magiging jobless na

Ang lakas ng hatak sa masa ni Direk Lino Cayetano kaya sure win siya sa second district ng Taguig City. Bukod sa kilalang politician ang yumaong ama, si Atty. Rene “Compañero” Cayetano, pati ang dalawang kapatid ay mga kilalang senador. Sina Kuya Alan Peter Cayetano at Ate Pia Cayetano. So, lahi ni Direk Lino ang mga pulitiko.

Pero sumikat naman siya sa larangan ng telebisyon, siya ang kasalukuyang director ng Aryana na magpapaalam sa ere, kaya nagpapasalamat siya sa pagtangkilik sa nasabing serye na sinubaybayan sa ABS-CBN. Kaya magiging jobless si Direk Lino pero tuloy ang trabaho niya sa darating na eleksiyon para sa inaasam sa Kongreso.

vuukle comment

ANNE CURTIS

ATE PIA CAYETANO

DIREK LINO

DIREK LINO CAYETANO

KAILANGAN KO

KAYA

KRIS AQUINO

QUEZON CITY

ROBIN PADILLA

SI MARIEL RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with