^

Pang Movies

TV5 wala ring plano sa kanyang birthday: Show ni Sharon dalawang araw nawala sa ere!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

May mga nagtanong last Wednesday kung shelved na raw ba ang Sharon, Kasama Mo Kapatid ni Megastar Sharon Cuneta sa TV5 dahil hindi na ito napanood last Monday, Dec. 31. Even ang isang regular na nanonood ng show ay nagtaka rin dahil wala namang sinabi noong huli siyang manood na last episode na iyon. 

We texted a TV5 executive at ti­na­nong tungkol sa show, ang sagot niya sa amin ay hindi siya sure dahil may di­f­ferent program sche­dule sila over the holidays kaya some shows were preemp­ted or got pushed back. Pero noong Wednesday, mu­ling napanood ang show sa same timeslot.

Sa Sunday, Jan. 6, ay birthday ni Sharon pero wala kaming balita from TV5 kung meron silang special celebration for the Megastar. Nami-miss namin tuloy ang annual birthday concert ni Sharon sa Araneta Coliseum for her fans and friends.

Ayen hiwalay na kay Franco?

Beauty pa rin and very elegant si Ayen Munji-Laurel sa kabila ng this January, her eldest daughter Mariella will turn 22 years old na. Sa March, at 17, graduating naman from high school ang only son niyang si Hasan at ang daughter nilang si Angia is already 10 years old. 

Thirteen years na silang married ng stage actor/singer ding si Franco Laurel kaya nagtataka sila sa lumalabas na balitang hiwalay na silang da­lawa. Biro na lamang ni Ayen nang makausap namin sa taping ng Temptation of Wife, hiwalay sila ni Franco ng work. Kung nasa soap siya ni Marian Rivera, si Franco naman ay nasa te­lefantasiya ng GMA 7, ang Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa.

Thankful si Ayen na nasa GMA Ar­tist Center na siya for three years at su­nud-sunod ang mga project na ginagawa niya, nauna rito ang epic seryeng Amaya ni Marian kaya naman lalo silang comfortable na magkatrabaho ngayon.

Ayon kay Ayen, exaggerated ang mga basher ni Marian sa paninira sa actress. Ka­pag nakuha mo na ang friendship nito, say niya, she is very thoughtful, maalaga sa role, at naroon siya sa mga eksena kahit wala siya para suportahan ang mga kasama niya. Hindi raw kasi makasarili si Marian. Kaya happy siya na siya ang magbabago ng character ni Marian bilang si Angeline to Chantal sa sinusubaybayang Temptation of Wife gabi-gabi after ng Pahiram ng Sandali sa GMA 7.

 

vuukle comment

ANG KUWENTO

ARANETA COLISEUM

AYEN MUNJI-LAUREL

FRANCO LAUREL

KASAMA MO KAPATID

MARIAN RIVERA

MEGASTAR SHARON CUNETA

SHY

TEMPTATION OF WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with