^

Pang Movies

Marian at Dingdong hindi rin nakaka-recover sa pagbagsak ni Manny, Dra belo nakakaranas ng post traumatic syndrome

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nakabalik na rin ng Pilipinas sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na pinanood ang laban nina Pacquiao at Marquez sa MGM Grand.

Shocked din ang magdyowa, lalupa’t bumagsak si Pacquiao sa kanilang harapan. Nasa harap ng boxing ring ang seats nina Marian at Dingdong kaya kitang-kita rin nila ang buong pangyayari.

Balik-Maynila na rin si Dra. Vicki Belo na dumating kahapon mula sa Los Angeles, California.

Pinanood din ni Mama Vicki ang laban  noong December 8.

Nasa front row seat din si Mama Vicki kaya kitang-kita niya rin ang pagbagsak ni Papa Manny. Hanggang ngayon, sad pa rin si Mama Vicki sa nangyari dahil nahihirapan siya na makalimutan ang eksena na nakaapekto sa kanya.

Ang feeling ni Mama Vicki, may post traumatic syndrome siya dahil na-sight niya ang parang rag doll na pagbagsak ni Papa Manny.

Julio Diaz tinotoo ang pananakit Kay Sandy andolong

Magkaterno ang mga damit ni Amy Austria at ng kanyang apo na si Sa­bine sa birthday celebration niya noong Miyerkules sa isang restaurant sa Makati City.

Early bird ako sa party ni Amy dahil iniwasan ko na matrapik kami sa EDSA.

Sulit na sulit ang pagdayo ko sa Makati dahil napakasarap ng Japanese food na ipinahanda ni Amy at ng kanyang mister na si Duke Ventura.

Bibang-biba ang apo nina Amy at Duke dahil sayaw siya nang sayaw kapag nakakarinig ng tugtog. Parang type ni Sabine na mag-showbiz at sundan ang yapak ng kanyang very pretty lola.

Hindi na kami nagpang-abot ni Lorna Tolentino sa birthday cele­bration ni Amy dahil hindi pa tapos ang taping niya para sa Pahiram ng Sandali nang umalis ako.

Hindi ako sure kung nakarating si Christopher de Leon dahil 10:00 p.m. naman ang call time niya sa taping ng Pahiram ng Sandali.

Naunang dumating sa dinner ang misis ni Boyet na si Sandy Andolong dahil maagang natapos ang taping nito para pa rin sa Pahiram ng Sandali.

Ipinakita sa akin ni Sandy ang mga galos at pasa niya sa braso at kamay dahil naging makatotohanan ang eksena ng pananakit sa kanya ni Julio Diaz. Mag-asawa ang role nina Julio at Sandy sa teleserye ng GMA 7.

May part 2 pa ang fight scene ng dalawa na kukunan ngayon kaya worried si Sandy na baka matangay na naman ng emosyon si Julio.

Sa kabila ng nangyari sa taping nila, maligaya si Sandy dahil uuwi sa Pilipinas ang kanyang dalawang anak na nasa Amerika at New Zealand.

Happy si Sandy dahil kumpleto ang kanyang pamilya ngayong Pasko. Magkasunod na uuwi mula sa US si Miguel at si Rafael na manggagaling sa New Zealand. Looking forward sina Sandy at Boyet sa pagdating ng kanilang mga anak sa susunod na linggo.

Cesar balik na sa shooting ng Turning Cradle

Ngayon ang resume ng shooting ng The Tur­ning Cradle: The Untold Story of Alfredo Lim, ang filmbio ni Manila City Mayor Alfredo Lim.

Pansamantalang nahinto ang shooting ng pelikula dahil pinanood ni Cesar Montano ang Pacquiao-Marquez boxing fight.

Hindi puwedeng wala si Cesar sa shooting ng The Turning Cradle dahil siya ang bida at direktor ng project na kinukunan ang mga eksena sa paligid ng Maynila.

Kagaya ng milyun-milyong fans ni Pacquiao, iki­nalungkot ni Cesar ang nangyari sa Filipino boxing champ. Hindi siya makapaniwala sa eksena na nasaksihan niya.

vuukle comment

DAHIL

JULIO DIAZ

MAMA VICKI

NEW ZEALAND

PACQUIAO

PAHIRAM

PAPA MANNY

SANDALI

SANDY

TURNING CRADLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with