^

Pang Movies

Hatian sa dating bahay nina Derek at Angelica, hindi pa tapos!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sobrang memorable for Angelica Panganiban ang 2012 dahil bukod sa napaka-colorful ng kanyang love life this year, nakabili pa siya ng sarili niyang dream house.

“Siyempre iba ’yung umuuwi ka sa sarili mong bahay,” she said.

Matatandaang may binili silang bahay ni Derek Ramsay noong sila pa sa bandang South at nakapangalan ito sa kanya pero sabi ni Angelica, pinaghatian naman nila ang nagastos at kasalukuyan nang inaayos ang tungkol dito.

Pagkatapos ng house and lot, gusto rin niyang mag-invest ng negos­yo para sa kanyang pamilya para hindi na umaalis ang mga ito at dito na sa bansa manatili.

Memorable rin ang pagsasara ng taon para kay Angelica dahil may Metro Manila Film Festival movie siya, ang One More Try, na sinasabing malaki ang tsansa niya para sa best actress category.

Sa One More Try ay ginagampanan niya ang papel ni Jack na asawa ni Dingdong Dantes.

“Si Jack kasi career-driven, woman of the world. Pinapaandar ni­yang lahat. Siya ang nasusunod. Siya ang boss pagdating sa opisina. Pero pagdating sa asawa, submissive. Ganun siya. So ’yun ang weakness. Nasasaktan na siya kapag puso na ang tinitira sa kanya. Nalulugmok na siya,” kuwento ni Ange­lica.

Ang One More Try ay mula sa direksiyon ni Ruel Santos Bayani. Aside from Dingdong, kasama rin niya sa movie sina Angel Locsin at Zanjoe Marudo mula sa Star Cinema.

Ex ni Valerie baliw na baliw kay Sarah

Kay Valerie Concepcion namin nalaman na fan na fan pala ng kanyang ex-boyfriend na si Dondon Hontiveros si Sarah Geronimo. As in grabe raw talaga.

“Sobra siyang fan na fan ni Sarah G. In love na in love siya kay Sarah. As in pumupunta pa sa mga ano, nagpapapirma ng posters,” sabi ni Valerie sabay tawa.

 “Even nung kami pa, sabi niya, ‘papirmahan mo ’yung sapatos ko kay Sarah.”

Type na type rin ng basketbolista ang mga hagikgik ni Sarah.

Hindi naman siya nagseselos at natutuwa pa nga siya sa pagka-fan ni Dondon.

Pero dahil nga wala na sila, ngayong Christmas ay aminado si Valerie na malamig ang Pasko niya.

 “Magbe-birthday pa ako sa (December) 21. Wala pa akong plano but I’m waiting for a miracle to happen,” she said.

When asked kung reconciliation ba nila ni Dondon ang hinihintay niyang miracle, tawa lang nang tawa si Val.

Samantala, katatapos lang ni Val ng pelikulang Flames of Love at sa TV naman, kasama siya sa bagong serye nina Carmina Villaroel at Vina Morales sa ABS-CBN.

Atty. Ferdie nagpa-kontrobersiyal uli sa pamumudmod ng album ni Bea

Sa Christmas party for the entertainment press ni Atty. Ferdie Topacio held last Wednesday night, ikinagulat ng lahat ang pagpapa-raffle niya ng debut album ni Bea Binene.

Komento nga ng isang kasahamahan sa hanapbuhay, parang medyo off lang tingnan na may kaso pa sila ni Bea pero heto’t ang CD ng young star ang kanyang ipinamimigay.

Pero ewan kung totoo, sagot ng isang kasamahan, ang kuwento raw kasi sa likod ng mga CD na ’yun, napakarami raw kopya ang binili ni Atty. Topacio para maka-gold agad ang album. That time, okay na okay pa sila ng pamilya ni Bea.

Ngayon ay hindi raw alam ng lawyer ang gaga­win sa mga album na binili kaya siguro, naisip na ipamigay na lang sa press.

Naaliw na lang kami at mas gusto naming huwag nang seryosohin pa o tanungin kung bakit nga CD ni Bea ang ipinamigay niya.      

vuukle comment

ANG ONE MORE TRY

ANGEL LOCSIN

BEA

BEA BINENE

CARMINA VILLAROEL

DEREK RAMSAY

DINGDONG DANTES

PERO

SIYA

VALERIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with