^

Pang Movies

Piolo naging KJ sa concert ni Sting, hindi naki-join sa sayawan!

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Isang malaking sorpresa ang pagkakapanood ko ng Back to Bass Tour concert ni Sting nung Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum. Higit pa sa inaasahan ang hatid ng respetado at multi-awarded na British musician kaya naman umaapaw ang kaligayahan ng inyong hamak na kibitzer.

On time ang concert kaya para sa iilang tao na humabol ay may ilang kanta na ang natugtog ng banda ni Sting ng mag-a-alas diyes na. Fields of Gold na ang naabutan ko. Pero kung magaganda ang mga napalampas na naunang kanta ay kasing ganda o mas higit pa nga ang kalahati pa ng set nila.

Para sa kahit sinong tagahanga siguro ni Sting ay matutuwa nang mapanood ng live ang bassist-singer-composer kahit isa lang ang abutang kanta. Lalo na kung hindi nakapanood nung jampacked 1994 concert niya sa Ultra open field na Ovation Productions din ang nagdala.

Sobrang sulit ang repertoire na 21 songs para sa mga dumating ng maaga sa Araneta. At tulad ng inaasahan ay kasali ang The Police songs dahil si Sting naman ang sumulat ng De Do Do Do De Da Da Da, Can’t Stand Losing You, Every Little Thing She Does is Magic, Wrapped Around Your Finger, Message in a Bottle, Every Breath You Take, King of Pain, at Roxanne sa dati niyang banda.

Nakakaaliw nung sinabi ni Sting sa dulo ng kantang Message in a Bottle ang “You are a great audience.” At ang intro naman niya sa Fragile, ang last song, bago niya ito kinanta at nagpalit ng acoustic guitar ay “I’d like to dedicate this song to all the people who’d lost their lives on the typhoon.”

Marami sa mga tao ay nagsitayuan at nagsayawan na nung patapos na ang set at marami na rin ang nagpipiktyuran at nagbi-video sa harapan dahil hindi na mahigpit ang security.

Pero kung si Sen. Bongbong Marcos ay walang pakialam na sumayaw-sayaw na parang lasing sa kantang Wrapped Around Your Finger, si Piolo Pascual naman ay parang hindi napatayo sa kinauupuan sa kahit anong kanta.

Marami ang nagko-comment na kitang-kita ang fit na katawan ni Sting at guwapo pa rin. Kilalang maalaga kasi sa pagkain at nagyo-yoga rin ang bassist. Pero sa bawat kanta niya ay kitang-kita na rin ang mga ugat sa mukha at leeg, tanda ng edad niyang 62.

Nakikanta kay Sting ang may 15,000 na audience sa Big Dome. Feel na feel din ang mga kantang pinasikat niya nung nag-solo na siya tulad ng Fragile, If I Ever Lose My Faith, Demolition Man, at Shape of My Heart, Seven Days, I Hung My Head, Englishman in New York.

Napakabait din ng crew ni Sting na nakitsika pa ang isang sound technician nung nagliligpit na sila. Sa Thailand daw sila kinabukasan (Linggo) at inulit din niya na great audience nga raw ang mga Pinoy. 

Ang kaibigan ko naman na nagbigay ng production pass ay masuwerteng naabutan pa ng guitar pick ng gitarista na game ring magpa-picture sa fans. Ibang klaseng experience talaga na ’di matutumbasan ng pera!

Sa huli, naghiyawan ang mga tao sa encore ni Sting sa kantang Fragile dahil sa sinabi niyang “We love you. God bless you.” At sabay diin pang hinabol na tila nanga­ngako, “I’ll see you again!”

* * *

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

vuukle comment

BASS TOUR

BIG DOME

BONGBONG MARCOS

DE DO DO DO DE DA DA DA

DEMOLITION MAN

EVERY BREATH YOU TAKE

EVERY LITTLE THING SHE DOES

PERO

STING

WRAPPED AROUND YOUR FINGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with