^

Pang Movies

Para lang hindi lumamig ang pasko sexy actress fling lang ang habol sa young actor na nakikipagbalikan

SO CHISMIS ITOH? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi akalain ng sexy actress na biglang magpaparamdam sa kanya ang isang young actor na dating nakarelasyon niya.

Bigla raw nag-text sa kanya ang young actor nang malaman nito na hiwalay na siya sa kanyang nonshowbiz boyfriend.

Hindi inaasahan ng sexy actress na maghihiwalay sila ng kanyang nonshowbiz boyfriend after ng ilang years na magkasama sila. Alam naman daw ni sexy actress na hindi siya tanggap ng pamilya nito pero hindi niya ini-expect na susunod ang kanyang boyfriend sa kagustuhan ng pamilya.

Nagsisimula pa lang mag-emote si sexy actress nang makatanggap siya ng text mula sa kanyang ex-boyfriend na young actor.

Nakarelasyon niya ang young actor noong sabay sila maging talent ng isang TV network. Pareho pa silang baguhan noon pero napilitan silang maghiwalay dahil may pagkasalawahan ang young actor.

Ngayon ay walang karelasyon ang young actor dahil nagtapos din ang sikretong relasyon niya sa isang young actress.

Actually, pareho sila ng kapalaran ng sexy actress — hindi rin tanggap si young actor ng pamilya ni young actress.

Humiling ng date si young actor sa kanyang ex-girlfriend na si sexy actress. Baka raw meant to be silang dalawa dahil nagkataon na pareho ang sitwasyon nila.

Pinag-iisipan pa ni sexy actress ang muling pakikipag-date sa kanyang ex-boyfriend dahil alam niya ang kalibre nito — mambababae pa rin ito kapag nalingat siya.

 Pero puwede namang i-consider ni sexy actress ang makipag-fling na lang dahil ayaw niyang maging malamig ang kanyang Pasko.

ProtEgé winners condo pa lang ang nakukuha, cash prize inaayos pa

Magagamit na ng mga winner ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break na sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino ang kanilang natutunan sa acting dahil kasama nga sila sa bagong teen drama series ng GMA 7 na Teen Gen.

Maganda ang natutunan nila sa kanilang naging mentors na si Ms. Gina Alajar at Jolina Magdangal dahil nagkaroon sila ng confidence at nawala ang pagiging mahiyain nilang dalawa.

This Christmas ay magiging Santa Claus nga sina Jeric and Thea sa kani-kanilang pamilya.

Blessed ang dalawang winners kaya sila naman ang mag-share ng blessings sa kanilang pamilya.

Kapwa nakita na rin nila Jeric at Thea ang napanalunan nilang mga condo unit. Anytime ay puwede na silang lumipat para maging mas malapit na sila sa trabaho nila sa Quezon City at hindi na sila kailangan pang bumiyahe pa sa malayo. Pareho kasing taga-Calamba, Laguna ang dalawa.

Inaayos na raw ang cash prize na napanalunan nila.

Barbie napahamak, nag-tweet ng kontra kay Pacman?!

Dahil sa isang fake Twitter account, nalalagay sa alanganin ngayon ang Tween Queen na si Barbie Forteza.

Diumano’y may nai-tweet nga si Barbie na hindi maganda tungkol sa pagkatalo ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao kamakailan kay Juan Manuel Marquez.

Pero sa mga nakakakilala kay Barbie, hindi nito kayang mag-tweet ng gano’n dahil malaki ang respeto nito sa tulad ni Pacman.

Nalaman ngang fake Twitter account pala iyon. Maraming gumagamit sa name ni Barbie Forteza sa Twitter kaya hindi malayong isa sa mga pekeng account na iyon ang nag-tweet ng hindi maganda.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

BARBIE

BARBIE FORTEZA

BIG ARTISTA BREAK

DAHIL

SEXY

SILA

YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with