^

Pang Movies

Dating nonshowbiz personality na naugnay sa artista, illegal ang pinagkakakitaan!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinag-uusapan sa showbiz ngayon ang pagiging big time ng isang da­ting nonshowbiz personality. Walang claim to fame sa showbiz ang taong ito except ’yung maugnay siya sa isang artista.

Kasi naman, big time na ang showbiz personality ngayon. Mamahaling kotse na ang gamit niya at ayon pa sa ilang taga-showbiz, may milyon na ang kita ng kumpanya niyang itinayo, huh!

Kung tutuusin kasi naging mailap ngayon sa showbiz people ang nasa­bing tao hindi gaya nung may karelasyon pa siyang artista. Pero lagi siyang laman ng usapan tungkol sa isang kontrobersiya na unti-unti nang umaapoy.

Feeling nga ng taga-showbiz, kapag lumaki na ang apoy, biglang maglalaho ang showbiz personality dahil unethical kung tutuusin ang mga paraan niya para lang umani ng ganang-pinansiyal.

Ex hindi rin daw niya masyadong mahal ,Dennis hindi pa naghahanap ng kapalit ni Bianca

Tikom pa rin ang bibig ni Dennis Trillo pagdating sa detalye ng paghihiwalay nila ni Bianca King. Ibinubuhos na lang niya ang utak at katawan sa trabaho upang makalimutan ang anumang kalungkutan sa buhay.

Kaya naman hindi siya naghahanap ng kapalit ni Bianca dahil hindi niya priority ’yun ngayon.

“Ngayon talaga, hindi. ’Yung bagay na ’yon, wala pa talaga. Hindi porke nawalan ka, mag­hahanap na agad ng iba,” rason ni Dennis nang makausap namin sa presscon nila ni Paulo Avelino sa Lost Command episode nila sa Shake, Rattle & Roll XIV: The Invasion.

Hindi naman yata niya mahal si Bianca da­hil ang babae ang higit na nagmamahal sa kanya?

“Hindi naman totoo ’yan!” tanggi ng aktor.

Fall out of love ba ang nangyari sa kanila?

 “Hindi naman po,” sagot niya.

“’Yung mga dahilan hindi ko na kailangang sabihin. ’Yung relasyon naman namin, since pribado, nagsimulang tahimik, mag-ending din ng tahimik. Kami lang ang nakakaalam,” katuwiran ni Dennis.                                                

 

vuukle comment

BIANCA

BIANCA KING

DENNIS TRILLO

LOST COMMAND

NIYA

PAULO AVELINO

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with