^

Pang Movies

Kasi naman nakalibing na, gusto pang buhayin ang bangkay: Angelica nawalan ng kakampi, mga tao nakikisimpatiya pa kay Derek!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Anti-climactic naman ang pa-“presscon” ni Angelica Panganiban sa breakup nila ni Derek Ramsay. Binubuhay niyang muli ang bangkay na ilang buwan nang nakalibing, huh!

May pabitin-bitin factor pa ang tweets niya at abangan na lang daw sa The Buzz ang iba pa niyang sasabihin. Siyempre, feel niyang gumawa ng ingay dahil nga sa major cast ng 24/7 in Love na kasama niya, tanging ang episode nila ng boyfriend na si John Lloyd Cruz ang walang ingay, ’no?

Nakikipaglandian na siya kay John Lloyd at tahimik na sa isyu si Derek, aba, gustong mag-ingay! Porke ba mas box-office actor ang kanyang dating dyowa at siya eh flop ang huling movie? ’Di hamak namang mas maraming nakakasimpatiya kay Derek kesa sa kanya ngayon.

Kasi naman, hindi pa nga nagtatagal ang breakup nila ni Derek, hayun at nakipagharutan na agad-agad kay John Lloyd at hindi na nagpakipot pa.

Wish lang namin na makatulong ang pag-iingay ni Angelica sa pelikulang kinabibilangan niya.

Mother Lily halos masairan ng datung sa Shake 14… na katumbas na ng tatlong pelikula

Niligawan ni Mother Lily Monteverde si Quezon City Mayor Herbert Bautista upang masama sa cast ng Pamana episode ng Shake, Rattle & Roll 14. Gusto kasi ng Regal Entertainment, Inc. producer na muli silang magsama ni Janice de Belen na noon pa man ay tagahanga na siya.

Siyempre pa, ’pag si Mother ang kumausap sa artista, hindi nila matatanggihan ang charm niya. Kaya si Mayor Herbert, agad inayos ang schedule upang hindi magkaroon ng bulilyaso sa schedule niya sa shooting.

Eh malaking factor din kay Herbert ang direktor na si Chito Roño. First time niyang maididirek ng premyadong director kaya isa rin ’yon sa dahilan kaya napatango siya sa proyekto.

Close to heart din kasi kay Bistek ang Shake... Nagbida siya sa unang installment nito na Manananggal at nanalo pa ng best actor award sa isang Metro Manila Film Festival kung saan naging entry ang horror movie.

Ang Pamana episode ang isa sa tatlong malalaking episodes na nakapaloob sa 14th Shake… na talaga namang ikinaloka ng producer dahil halos masaid ang datung niya! Katumbas kasi ng tatlong malalaking pelikula ang mga episode ngayon.

“Pati nga si Chito, ayaw akong kausapin! Magsyu-shooting muna siya bago kami mag-usap. ’Kakaloka!” natatawang say ni Mother Lily sa amin.

vuukle comment

ANG PAMANA

ANGELICA PANGANIBAN

CHITO RO

DEREK

DEREK RAMSAY

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

MAYOR HERBERT

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MOTHER LILY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with