^

PM Sports

Dragons babalik sa Commissioner’s Cup

Russell Cadayona - Pang-masa
Dragons babalik sa Commissioner�s Cup
Willie Marcial,
Released

MANILA, Philippines —  Babalik ang guest team na Bay Area Dragons para muling sumabak sa darating na PBA Season 48 Commissioner’s Cup sa Oktubre.

Ito ang tiniyak ni Dragons Chief Executive Officer (CEO) Matt Beyer kay PBA Commissioner Willie Marcial na binigyan muli ng PBA Board ng bagong three-year term.

Ang nasabing import-flavored tournament ang unang koronang paglalabanan sa two-conference format ng liga imbes na ang tradisyunal na Philippine Cup.

Walang idaraos na Governors’ Cup para sa darating na season.

Matapos ang Commissioner’s Cup ay gagawin naman ang Philippine Cup sa Enero ng 2024.

Si dating NBA player Andrew Nicholson ang muling tatayong import ng Bay Area na tinalo ni resident import Justin Brownlee at ng Barangay Ginebra sa nakaraang PBA Commissioner’s Cup Finals.

Pinadapa ng Gin Kings ang Dragons sa Game Seven na sinaksihan ng 54,589 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Magtatakda ang liga ng height limit na 6-foot-9 para sa mga imports sa nasabing torneo.

Ang ginawang pagbabago ng PBA sa kanilang kalendaryo ay para sa paglalaro ng Ginebra at TNT Tropang Giga sa East Asia Super League (EASL) home-and-away meet sa parehong buwan.

Nauna nang sumalang ang Tropang Giga at San Miguel Beermen sa nakaraang EASL mini-tournament na idinaos sa Japan.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with