^

Punto Mo

‘Strip search’ ipinahinto ng BuCor!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

IPINAHINTO ni Bureau of Corrections (BuCor ) Director Gregorio Pio Catapang Jr. ang pagsasagawa ng ‘strip search’ sa lahat ng prison at correctional institution sa bansa.

Habang hinihintay pa ang resulta ng imbestigasyon at magbibigay daan sa pagrepaso ng protocols at procedures.

Nilinaw ni Catapang na ang strip search at ang pagpapa-squat lamang ang ihihinto pero tuloy pa rin ang frisking o pagkapkap sa mga Welcome din umanoang Commission on Human Rights (CHR) na maaaring magrepaso sa mga itinatag na protocol at pamamaraan na ipinapatupad ng ahensya sa mga kulungan at penal farm nito.

Idinagdag pa nito na ipapaliwanag sa mga bibisita ang gagawing bodily search at ang waiver of right ay ipinapaliwanag din kung sila ay papayag.

Sa mga ayaw dumaan sa nasabing protocol ay mapupunta sila sa electronics visit o “e-dalaw” habang ang mga menor de edad naman ay hindi kasama sa strip searches.

Dati na umano itong ipinatutupad alinsunod na sa Mandela Rules.

Minsan nga naman kasi talagang mauutak ang ilang sindikato kung saan itinatago sa maselang  bahagi ng kanilang katawan o sa ‘genital parts’ ang nais na ipasok na kontrabando.

Ibinunyag nga ni Catapang na may 19 na ang kaso ng pagkakasamsam nila ng mga kontrabando na itinago sa ‘genital parts’ at 15 na insidente ng pagkumpiska ng iligal na droga at iba pang kontrabando.

Uminit ang tungkol sa ‘strip search’ makaraang magreklamo sina Maricel Alcántara at Gloria Almonte, ukol dito kung saan nga nasibak na ang mga lady searchers para bigyang-daan ang imbestigasyon.

Ano mang mga pamamaraan ng pag-check dapat marahil na maisaalang-alang ang karapatang pantao ukol dito.

Sapat, klaro ang mga pamamaraan at ipapatupad na protocol nang sa huli eh hindi sibakan ang maging solusyon.

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with