Random life hacks

• Kung habang nagsasalita ka ay may sumisingit sa iyo, ituloy mo lang ang pagsasalita mo at huwag itong pansinin. Kusa itong titigil dahil magmumukha siyang tanga.

• Kung mapapansin mong may tumitingin sa iyo nang paulit-ulit na mukhang tanga: Huwag titingin sa mata.  Gantihan mo ng tingin sa kanilang paa o sapatos. Titigil iyan at magtataka kung ano ang tinitingnan mo sa kanilang paa o sapatos.

• Nagpapababa ng blood pressure ang magka-holding hands habang naghahalikan.

• Pampapayat ng chubby face: Ngumuya ng bubble gum sa loob ng isang oras araw-araw; mag-cardio exercise; uminom ng maraming tubig.

•  Pampatangkad: Kumain ng beans, eggs, meat, yogurt, fruits. Matulog at magpahinga nang sapat. Stretch daily.

• Ang babaeng may seryosong karelasyon pero madalas pa rin pumunta sa gimik nang nag-iisa kasama ang mga barkada na hindi close sa kanyang boyfriend ay malaki ang tsansang mangaliwa.

• Upang lubos na makilala ang babaing nililigawan pa lang, obserbahan mo ang ugali at kilos ng mga kabarkada niyang babae. Sila ang repleksiyon ng kanyang true personality.

• Kung narinig mo ang putok ng baril, tiyak na hindi ikaw ang tinamaan ng bala noon.

Show comments