^

Punto Mo

Cover-up at deception sa kaso ni Anson Que!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAGKAGULO ang imbestigasyon sa kaso ng kidnap-slay kina Anson Que o Anson Tan at driver na si Armanie Pabillo. Ito ay matapos mag-leak ang extra-judicial confession ng suspect na si David Tan Liao at itinuturo ang anak ni Que na si Alvin na s’yang mastermind sa krimen. Araguyyy!

Kinondena kaagad ni Teresita Ang-See, ng Movement for Restoration of Peace and Order, ang PNP sa paglabas sa media ng tinuran ni Liao. Ayon kay Ang-See, bakit binibigyan pansin ng PNP ang statement ni Liao, na ayon sa Chinese embassy ay sangkot sa 21 kidnapping cases sa bansa? May punto si Ang-See, no mga kosa?

Mukhang may nanggugulo sa imbestigasyon ng kaso at hindi ang pamilya ni Que ito, anang mga kosa ko.  Kung sabagay, mismong si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang nag-clear kay Alvin kaya’t medyo nabunutan ng tinik ang pamilya ni Que, na hanggang sa ngayon ay panay iyak pa rin dahil sa sinapit ng biktima, na isang steel magnate. Tsk tsk tsk! Ang sakit sa bangs nito!

Sana ‘wag ma-distract sa kuwento ni Liao ang SITG na binuo ni Marbil para imbestigahan ang kaso at imbes ay tukuyin na ang tunay na mastermind sa krimen dahil ang pagkakilanlan nito ay ibinigay na mismo sa kanila ng Interpol ng China.

Dapat mas paniwalaan ang Interpol ng China dahil na-trace na nila ang binatuhan ng cryptocurrency na ransom na ibinayad ng pamilya ni Que, imbes na paniwalaan ang kriminal na si Liao, di ba mga kosa?

Kung sabagay, kasama ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Pagcor, nagsadya ang SITG sa isang casino sa Macapagal Ave., at inalam kung paano nag-ooperate ang mga VIP junket card holder.

Sa sistemang ito, matutukoy nila ang mastermind dahil t’yak ang pangalan n’ya ang nakalutang sa pagpasa ng cryptocurrency sa laban ng Pinas. Ano sa tingin mo Boss Ming? Ano ba ‘yan? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Maliwanag naman sa sikat ng araw na hindi lang ginulo ni Liao ang imbestigasyon para iligaw ang SITG sa tunay na mastermind? Puede, di ba mga kosa? Ang tanong lang? Ano ang mahihita ni Alvin kung ipapatay niya ang kanyang ama? Eh di wala! Kasi hindi naman si Alvin ang makikinabang sa lumang sistemang ‘yaon dahil buhay pa ang asawa ni Que, na siyang mag-inherit ng lahat ng ari-arian nito.

Pero para malinis ang kanilang pangalan, ang cell phone at iba pang gamit, hindi lang ni Alvin kundi maging ang ibang miemro ng pamilya, ay nai-submit sa forensic examination. ‘Yan ay kahit ayaw ng kanilang abogado. At ang initial findings nito ay negatibo. Wala ring derogatory records si Alvin.

Kaya’t sa kanilang indignation statement, hiniling ni Ang-See sa PNP at media, na nag-carry ng story Liao sa pagkasangkot ni Alvin sa kaso na mag-apologize. Sanamagan! Ambot sa kanding nga may bangs!

Samantala, sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na may nag-alok ng P5 milyon reward para madakip ang suspect na si Wenli Gong, alias Huang Yanling at Kelly Tan Lim.

Si Gong, na may kasong kidnapping for ransom noong Hulyo 12, 2024, ang tumawag kay Que para lumiko papuntang Bulacan, kung saan iniligpit ng tropa ni Liao sina Que at driver n’ya. Expect more cover-ups and deception sa kidnap-slays nina Que at Pabillo, ayon sa mga kosa ko sa Chinese community. Abangan!

ANSON QUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with