Pinaiikot na ang tsubibo ni Juan

TUMATABO na naman ang mga public opinion surveying firms na nagkukondisyon ng isipan ng mga botante at political financiers. Ayos na raket yan!

Hindi naman maliwanag kung ano ang mga itinanong na nagresulta sa approval rating ng napaborang pulitiko. Baka naman sa balwarte nila nag-survey? Malay natin, he-he-he!

Itinaon kayang may pinagbidahang usaping pambayan ang pulitikong umarangkada sa unahan? Ang galing ng nagpa-commission, ‘di ba?

Ayon sa Pulse Asia, bumagsak ang popularity ratings ni PBBM ng 20 percent samantalang 11 percent ang ibinaba ni VP Sara. Ginawa ang survey noong Setyembre sa kainitan ng usapin sa West Philippine Sea. Todas!

Kiss of death daw malamang ang iindorso ni PBBM sa 2025 midyear election. Aber ngaaa!

Naungusan naman ni Sen. Raffy Tulfo si VP Sara sa posibleng presidentiable candidate sa 2028. Nakabuntot naman si dating VP Leni Robredo na ikatlong paborito. Masamang pangitain yan!

Siguradong magbabangayan ang magkabilang breakaway vloggers ng UniTeam. Si Raffy Tulfo at Leni Robredo ang dapat nilang bantayan at baka mag-tandem.

Show comments