Dumagsa ang sinungaling dahil kay Quiboloy at Digong

IKINAINIS ng LGBT commu­nities ang sinabi ni Pastor Apollo Quiboloy na si Satanas daw ang lumikha sa mga bakla. Kapag hindi tumalab ang karma sa bakla na nasa likod ni Quiboloy, sinungaling ako!

Ibinida naman ng dating tsokaran ni Quiboloy na duda ito na pitong milyon ang tagasunod ng sekta nito. Tinatantiya nito na nasa 300,000 lamang ang aktibong miyembro nila sa buong mundo.

Sinungaling!

Sinabi naman ni Digong na “bangag noon ang Presidente at hanggang ngayon ganun pa rin!” Pagkalipas ng ilang araw, binawi niya ang sinabi, “wala akong sinasabing ganun.”

Aba’y sinungaling din!

“I support PBBM administration” sabi naman ni VP Sara. Pero nag-attend siya sa prayer rally na ang pinanawagan ng mga dumalo ay sipain si PBBM sa Malacañang.

Nagsisinungaling din ba si Sara?

Kaibigan din daw ni Sen. Cynthia Villar si Quiboloy kaya pumirma ito sa manipestong inilapit ni Sen. Robinhood Padilla. May nagbiro tuloy na may kasunduan ang dalawa na para kay Quiboloy ang langit at kay Cynthia ang kalupaan.

Kasinungalingan! Istaaaap!

Show comments