Maid of Honor (48)

“KUNG isinara mo ang pinto e bakit bukas nang itinulak ko kanina?’’ tanong ni Honorio kay Yana.

“Pero isinara ko talaga Kuya,’’ sabing mangiyak-ngiyak ni Yana.

“Bukas nga. Sususian ko sana kanina pero nang itulak ko, bukas pala.’’

Hindi makapagsalita si Yana pero halata sa mukha nito ang takot.

“Paano kung may ibang taong nakapasok? Paano kung nanakaw lahat ang mga mahahalagang gamit sa kuwarto? Marami pa namang nakatagong alahas si Ate ­Bianca mo…’’

Hindi pa rin makapagsalita si Yana.

“Di ba sabi ni Ate Bianca mo, huwag kalilimutang i-lock ang pinto dahil kahit sa  condo, may mga kawatan. Wala nang pinipili ang mga magnanakaw. Mabusti na lang at duma­ting ako. Paano kung hindi? At isa pa, paano kung ang nakapasok ay hindi lamang magnanakaw kundi rapist pa? Mapapahamak ka. Naliligo ka pa. Puwede kang pasukin sa banyo.’’

Umiyak si Yana.

“Sorry Kuya. Hindi na po mauulit. Huwag mo na po akong isumbong kay Ate. Baka pagalitan at paalisin ako.’’

(Itutuloy)

Show comments